Showing newest posts with label Beach Resorts. Show older posts
Showing newest posts with label Beach Resorts. Show older posts

Tuesday, April 01, 2008

Ala-eh, Summer Na!

Sa dami ng Batangas beaches and resorts, tiyak ay marami na namang local at foreign tourists ang dadagsa sa Batangas ngayong summer.

Pero ang totoo, kakaunti pa lang ang napupuntahan kong mga beach sa Batangas. Noong nasa elementary pa lang ako, madalas naming puntahan noon ay Botong Beach sa Lemery. Ano na kaya lagay ng beach na ito ngayon? Hindi naman ito kagandahang beach pero ewan ko ba at sikat na sikat noong araw. hehe!

Magaganda ang beach sa San Juan, doon sa Laiya. Noong nakaraang taon ay nagkaroon ako ng pagkakataong magtampisaw doon ng umakyat kami sa Mt. Daguldol.

Kung naghahanap kayo ng mga beach resort sa Batangas na mapupuntahan ngayong summer, mamili na lang kayo dito.

La Luz Beach Resort (San Juan. Batangas)
Vistamar Beach Resort(Mabini, Batangas)
Rosegold Beach Resort (Calatagan, Batangas)
Leonor Beach Resort(Lemery, Batangas)
Nasugbu Beach Resorts (Nasugbu, Batangas)
Batangas Beach Resorts (Complete list)

Sa amin sa Cuenca, wala namang mga beach na mapupuntahan. Pero may isang baranggay doon sa amin na malapit sa dagat, ang Brgy Don Juan na mas kilala sa tawag na Lumampao. Para makapunta doon ay kailangan mong dumaan sa "1,500 steps" na talaga namang nakakapagod. Walang sinabi dito yung sikat na hagdan sa Baguio (Lourdes Grotto). Tuwing pupunta nga ako sa Lumampao ay lagi kong binibilang kung 1,500 steps nga pero hindi ko lagi matapos ang pagbibilang dahil sa pagod. hehe!

Read More......

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP