Pasyal Na Naman - Summer 2010!
Sa mga kababayan kong mahilig mamasyal, imibitado kayo sa aking paglalakbay.
salubong sa summer!!
na move po ito ng Jan 16-17!
Jan-23-24, 2010 naman a-reng SAGADAApir mga kababayan!
Ang kape sa amin ay barako!
Sa mga kababayan kong mahilig mamasyal, imibitado kayo sa aking paglalakbay.
salubong sa summer!!
na move po ito ng Jan 16-17!
Jan-23-24, 2010 naman a-reng SAGADAPosted by Philippine Outdoor Travel at 3:09 PM 1 comments
Kaya mo ba ipagyabang ang pagiging pinoy mo?
Minsan akong naligaw sa site ng YABANG PINOY!. Nakita ko dun kung panu nila ipagyabang ang pagiging pilipino nila. Suot lamang ang simbolo ng pagiging mayabang, ang natatanging YABANG PINOY BAND at mariing ipahayag: Ano ang maipagyayabang mo bilang isang Pilipino? Talk, be loud and Be Heard. Get involved. Visit their site for more info. Nandun rin ang ilang souvenirs na maaaring mabili sa mga Mall, tulad ng Yabang Pinoy Band, Shirts, Bag, Bakya, Bikinis, Pouch, Keychains, Bookmarks.
Ang mga sumusunod na banner ay ilan lamang sa pwedeng i download sa naturang website at pwedeng ilagay sa inyong blog para makiisa sa grupo.

Minsan pa nating patunayan ang ating pagiging pinoy na kahit sa gitna ng krisis ay nagtutulungan para maiahon ang bayan ni Juan! May Yabang ako! Yabang Pinoy! Yabang Batangueno!
Posted by sweetlady at 5:23 PM 2 comments
Labels: News and Events, Personal
Posted by sweetlady at 5:59 PM 0 comments
Labels: Kababayan Abroad, Personal
Posted by itot54joni at 11:05 PM 1 comments
Labels: Batangas Dictionary, Personal
Naisip ko lang na ibahagi kung anu-anong bagay ang namimiss ko sa aking kinalakihan bayan sa Batangas...
Eto ang aking top 10.
10.maglinis ng kural at magpaligo ng baboy.
9.maligo sa tubig.(ilog un na maliit at makipot)
8.magpalipad ng papagayo. (kite)
7.ma-mang-os ng tubo.(sugarcane)
6.maghabulan sa bilaran ng palay.
5.mamulot ng laglag na santol.
4.magnakaw ng mangga ng kapitbahay. (sawa na kasi ako sa indian gusto ko piko o kinalabaw kaya umit ako konti.lol)
3.manguha, magluto at kumain ng adobong kamoteng-kahoy.(mas masarap kung maanghang!)
2.mamiyesta at makikain maghapon.(tagal ko na di nagagawa 'to, mahigit 10 years!)
1.kumain ng espesyal lomi sa Pangao!!!
haaaay!!!
Posted by kuri at 11:42 AM 0 comments
Labels: Personal
Pumunta ako kanina sa Libertad sa Pasay at may nakasabay ako sa jeep na lalakeng sa tanya ko ay nasa 60 yrs old na. Napansin nya yung celfon kong SE-608i. Tinanong nya ako kung magkano daw kaya iyon ngayon. Sa tono pa lang nagduda na akong Batangueno sya. Sabi ko ay di ko alam kasi magda-dalawang taon na yung celfon ko.
Hirap daw sya sa Ericson. Maya-maya pa ay nagkwento na ng husay. Siya daw ang unang nagka-celfon sa Tanauan. Napangiti ako, dahil una, tama ako sa hula ko. Batangueno nga! Pangalawa, hindi ko alam kung paano nya nalaman na sya nga ang unang nagka-celfon sa Tanauan. Baka may registration sa kanila kapag nagkaka-celfon? hehe!
Bandang huli'y hindi na ako nakatiis at sinabi ko na ring taga Cuenca ako. Aba't lalong ginanahang magkwento. Kung may kilala daw ga akong Nena Magpantay na taga Labac. Sabi ko'y marami nga kong kilalang Magpantay pero wala naman akong kilalang Nena Magpantay.
Sa ilang minutong iyon na nagkasabay kami sa jeep ay nalaman konng girl friend nya daw iyong si Nena at nagkahiwalay lang daw sila dahil nadestino sya sa project nila sa Mindanao. Engineer yata si Manong. Sayang daw. Nag-asawa na raw yung si Nena. Sa loob daw ng dalawang taon ay halos araw-araw nya iyon sinusundo sa San Pablo para ihatid sa Cuenca. Sa Maynila pa raw siya nagtatrabaho ng panahong iyon. Ang luffet ni Manong.
Ikinuwento nya rin na noong ikinasal daw yung kapatid ni Nena ay umarkela pa daw sya ng sound system galing Tanauan. May dala rin daw syang mga kahoy na panggatong at siya rin ang nagsibak. Ang laki raw talaga ng hirap nya sa panliligaw nya.
Hindi ko na natanong kung nag-asawa na rin sya at kung ano ang pangalan nya kasi nauna na akong bumaba. Kapag umuwi ako sa Cuenca, ipagtatanong ko kung nasaan na si Nena Magpantay. LOL
Posted by Apol at 6:11 PM 4 comments
Labels: Personal
tanglaw ng buhay, liwanag sa dilim, nag-aakay sa mga gamo-gamo pag tag ulan nama'y mga alikarkar. Naalala nyo pa ga agn tibanglos nyo pag inyong tinitigan ang kanyang malamlam na liwanag? di baga't ang lalim ng inyo iniisip. Sana'y di nyo sa makalimutan at paminsan minsa'y subukan nyong gamitin upang manumbalik ang mga nakaraang alaala....Posted by Philippine Outdoor Travel at 12:34 PM 8 comments
Labels: Batangas Dictionary, Personal
Posted by Philippine Outdoor Travel at 6:00 PM 0 comments
Labels: Personal
Alala ko nun maliit pa ko (kahit gang ngayon maliit pa din) pag tag araw, ay masayang maliwaliw sa butong( sa lemery ito) palibhasay bata, tuwang tuwa sa dagat. Pero ngayon palibhasay may edad na ay di papayag kung di maganda ang beach na pupuntahan. hahahaha..
Nitong nakaraang sabado-linggo, nagpunta ako sa zambales para ipagmaneho ang tropa papunta sa isang cove duon. Naririnig ko na tong lugar na to gang sa makapasyal nga ako. kakaiba ang cove na ito. ang mga puno nya bago sa dalampasigan ay mga pinetree. pino din ang buhangin. banayad ang hangin at kasarap magbarikan dine! hehehhe. Kamalas malasan ay lowbat yun kodak ko kaya di ako nakapg kodak sa lugar. hehehe... nde bale mga kababayan sa darating an sabado ay pupuntahn ko ulit yun lugar at pwamis ko, makikita nyo ang lugal!
abril 28-29, 2007; dunicio
Posted by Philippine Outdoor Travel at 5:45 PM 0 comments
Labels: Personal
Masaya naman ako eh kaya ayus pa din. Marunong naman ako makisalamuha kahit mas mataas ang katayuan nila sa buhay. Kahit kamiy isang hamak na nilalang, marunong kami tumingin ng diretso. Ang kaso lang nakakasakit kayo ng damdamin. Wag ganun!! para kayong langaw sa ibabaw ng kalabaw. Pare pareho pa din tayo lamang lang kayo ng ilang paligo at palamuti sa katawan. Pasaan pa at sa pagkalsing din ang punta! hik hik
Read More......Posted by Philippine Outdoor Travel at 5:19 PM 0 comments
Labels: Personal


Bang! bang!.... patay ka na ha!! ...... ala naman kita mo ga ako'y may sangga?!!! hehehe... naalala nyo paga ang baril barilan ng inyong kabataan? Pag hindi gawa sa kawayan o kya ay sa payapa ng niyog ay pede na kahit sit ng mangga. Pag tutukuan pa nga diga kamay na laang?!! heheheh... ay kasaya.
Ngayon haytek na! perstym ko maglaro nitong airsoft, tila baga tunay na baril pero mga pelet laang ang bala. todo pa sila unipormeng parang tunay na sundalo! hehehhe dahil ako gusto ko lang subukan, sa dating nila kumpara sa akin, para akong NPA sa aking gayak. naka treking pant tpos patig na pang itaas! hahahaha... dahil sa masakit din makatama yun pelet, kailangan may takip din ang itong mukha. At dahil din dito, ay talaga namang sisiksik ka din sa damuhan pag nakita mong niraratrat ka! bwahahaha... sana magkaron din ako ng sariling armas! mukahng ok yun AK 47 eh.. hehehhe...
am hit! am hit!am hit!... nyahahaha
Posted by Philippine Outdoor Travel at 4:19 PM 4 comments
Labels: Personal
batanga ka ga kapag malalim ang tagalog mo?
makikilalang piho sa taglay mong punto?
ano gang mayroon sa mga pahinang ito?
na gusto atang makilala sa mundo.
ano gang may roon at gustong mapuna?
hangang dine sa internet ay nakarating na ah!
pag kaka husay ng pasimuno nito ah
sa iyo kabayan ako'y hanga na!
buhay dine sa batangas ay talagang masaya
aywan ko nga ga bakit ang ibay lumisan pa
kung di sa maynila ay sa ibang probinsha
ang karamihan ay don na nakatira...
--dimax
Posted by dimax at 8:01 AM 4 comments
Labels: Personal
Immortal ga ang unang pag-ibig?
Totoo ga ito?
Ibig gang sabihin mahal nyo pa din ang unang pag-ibig nyo?
O isang alala na laang a-re?
Sa tingin nyo?
Posted by Philippine Outdoor Travel at 12:47 PM 6 comments
Labels: Personal


Kung hindi ako nagkakamali, 2922 mts asl ang taas ng Mt Pulog. Pinakamataas sa Luzon at pang 3 sa buong pinas. Eto daw ang himlayan ng mga espiritu ng mga Ibaloi, kankanai at kalanguya at ni Apo Kabunian. Binubuo ng 3 bahagi, ang mga pine tree, pagkatapos ay mossy forrest at ang itaas ay grass land na ang mga damo ay draft bamboo at blue grass. Mararating eto 5 oras mula Baguio sa bayan ng Kabayan, Benguet. May malamig na temperatura sa buong taon at sa di pa nakaka-alam, pag Enero or Pebrero ay pede kang makakita ng yelo sa madaling araw. Ala! ay hindi nga malamig, patay patay laang ang rayuma! hehehheh..
Mag aala dose ng tanghali, Setyembre 1, 2005, ng ang maiakyat ko ang 7 na nag pasama sa akin upang makarating sa bubong ng Luzon. Di naman sila nahirapan medyo nahuli lang sa mga oras na kung saan dapat masunod. Ito ang tuktok ng Mt. Pulog. Malamig ang palagid kahit tanghali, ngunit masakit sa balat pag tumama ang sikat ng araw. heheheh sunog ang balat ko. huhuuu. Ang pagpanhik dito ay di naman kahirapan o depende kung saan ruta ka dadaan, ngunit dapat may kaalaman ka sa pag akyat ng bundok. Mga dapat at di dapat ay bitbit mo. Sa itaas, matatanaw mo dito halos ang buong Benguet, Mtn Province (halsema hi way kitang kita) Ilokos, china sea, at ifugao. Kita nga ang cavite! ay kayabang ko! hehehe joke.
Eto ang pang dalawang sampa ko sa taong ito sa Mt Pulog. Kahit na medyo apektado ng bagyo ang paligid kung kayat medyo makulimlim at nakanakang ulan, ay nagpasalamat pa din na kahit paano ay nakita nila ang ganda nito. Sa akin, Kakaibang ganda muli ang ipinamalas nya. Luntian berde ang nagpalas ng ganda at sinabayan pa ng mga puting bulaklak, para katuloy nasa ibang bansa, yun bangang "lord of the ring" ga ang titulo nuon? hehehhe...
Ang isang ikinatuwa ko sa pagbalik dito e yun paglilibot ko sa Kabayan, Benguet. (sa baba ng Mt Pulog). Nakatawag ng pansin sa akin yun isang matandang Ibaloi. Inalok nya ako ng babasahin tungkol sa Mummy. Naalaliw ako para basahin ang tungkol sa pinagmulan nila at ng mga mummy. Ang higit na nagpaligaya sa akin e ng biglang may nagtanong "Were did you climbed, Mt Pulog?" sumagot ako "opo". Isang kagulat na eksena nangbiglang "Im the author of that book" Huh? Talaga? yahoooo.... So ayun, kahit di ko pa nababasa yun libro e nakipagwentuhan ako sandali. Isa din syang Ibaloi, tinanong ko sya kung ano propesyon nya. nagbiro pa ng sumagot ng "Gin" hehehe... lasengo siguro to! daliy binawi at siya daw ay historyan. Buong giliw akong pinapirmahan ang Libro.. hehhe Bakit ka nyo? sinulat nya yun Libro nun sya ay singkwenta na ang edad at ngayon sya ay 75 na. Wag naman sana at humaba pa ang buhay baka kasi sa muling pagbalik ko duon, kung kelan man yun e baka di ko sya makita o kya alam nyo na yun! hehhehhe... Alam nyo ba nun binasa ko yun libro e nalaman ko na dalawang beses pa lang naging mayor yun author!! hahaha tingnan mo nga naman. grabe ang tuwa ko..
sa muling pagbabalik
Posted by Philippine Outdoor Travel at 6:50 PM 8 comments
Labels: Personal
May nakita na ga kayong diksyoanryong batangenyo?
Saan nyo titingnan halimbawa ang mga salitang gaya nito:
Patikad
Pikloy
Pinindot
Purunggo
Puthaw
Sakol
Sakre
Samlang
Sampilong
Maaaring makita nyo ang ilan sa mga iyan sa diksyonaryong pilipino. Eh yung pagerper, nandon din kaya? hehe!
Mabuti na lamang at may nangahas na gumawa ng disyonaryong batangenyo. Click nyo ito.
Posted by Apol at 4:10 PM 9 comments
Labels: About Batangas, Batangas Dictionary, Personal
Napanood nyo na ga ang Spiderman 2? Sabi nung mga nakapanood na, ang ganda daw. Mamayang gabi papanoorin ko ito, may nabili akong pirated DVD Copy. hehe!
Oo na, mali na kung mali ang mamirata. At mali din ang bumili ng mga pirated cd's. On 2nd thought... mali nga ba ang bumili? May justification kasi ako eh. hehe!
Pero magtataka ka, nagkalat ang mga nagbebenta nito. Kung tutuusin, parang ang dali lang nito maipatigil eh. Kulang lang sa political will ang mga nagpapatupad ng batas dito sa Pinas. Dito lang sa mall na malapit sa opis namin halos dikit-dikit ang mga pwesto ng nagbebenta ng mga pirated cd's. Noong nakaraang taon, malimit may raid pero sa hindi ko malamang kadahilanan, nalalaman nila in advance kaya ayun, wala ring nahuhuli. Sino kaya ang nag tip kanino? Noong nakaraan nga, may kasabay pa akong pulis na bumibili din. Walang iniwan yan sa sinasabing negosyo ng bagong gobernador ng batangas jueteng. Bawal daw. Mali at imoral. Pero nakagisanan ko na ang jueteng at hanggang ngayon ay meron pa din. Tumama pa ang ang Inay ilang buwan pa lang ang nakakaraan. Bukod pa ito sa tinamaan nya noong nakarang Agosto 2003.
Teka lang tungkol nga pala sa Spiderman ang entry kong ito at hindi tungkol kay Capt. Hook. hehe!
Tungkol pa rin kay Spidey, natawa talaga ako dito.
Posted by Apol at 4:02 PM 1 comments
Labels: Personal
Ayaw ko na sanang ma-publish online ang nakaraang bertday ko pero salamat na rin kay Apol sa Online Greetings dito pa sa ala eh blogspot... Kaya naman naisipan ko magsulat tungkol sa mga kaganapan sa birthday ko hehhehehe....
Psst… Bertday ko daw???Read More......
Ah! nung ika-20 pa ng buwan ito, muntik ko na rin ngang makalimutan. Medyo ayaw ko alalahanin na may dumagdag na naman numero sa edad ko, pero wala akong magagawa andyan na eh bertday ko na. Kahit na gusto ko man pigilin pero wala naman akong magagawa, kaya hinarap ko ng buong lakas at sinabi sa sarili na life must go on!!! Oo nga eh 28 na ako pero nasaan na ba ako? Pero bago pa ako magpakasenti eto yung update ng isang linggo bago at pagkatapos ng bertday ko. <<<<<<< more
Posted by Dzune at 11:26 PM 4 comments
Labels: Personal
Huli man daw at magaling, late pa rin. hehe! Happy Birthday Dzune!
Tsaka na laang tayo bumarek pag narito ka na sa Pinas. Dito tayo sa paborito kong bar. Ayos ga iyon? ;)
Posted by Apol at 9:50 AM 0 comments
Labels: Personal
kanina laang ay pinag-praktisan kong umiyak... ng walang dahilan? di ko masabi. basta ako'y lumuha. ang mga mata ko'y nagpadaloy ng mumunti nitong tinatagong likwido. nabanggit ko sa aking matagal nang kaibigan ang tungkol dito. siya'y aking natanong kung siya ba'y lumuha na ng walang dahilan... o dili kaya'y napaluha sa isang sitwasyong wala ka man laang kakontol-kontrol. ang tanging sagot nya sa aki'y "ano ako sira?!" naku pu! ako pala'y sira na kung ganuon? hahaha! basta, inyong subukan... lumuha kayo pag minsan, sa katahimikan ng iyong puso sa kabila ng kaguluhan sa labas ng iyong pagkatao...
Read More......Posted by cutiemomma at 1:49 PM 3 comments
Labels: Personal
© Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test
Back to TOP