Showing newest posts with label Kapeng Barako. Show older posts
Showing newest posts with label Kapeng Barako. Show older posts

Sunday, July 06, 2008

Kapeng Barako

Kailan ka ga huling nakahigop ng kapeng barako?

Tuwing uuwi ako sa Cuenca ay lagi akong bumibili ng galpong doon sa palengke. Gustong-gusto ko yung amoy ng bagong giling na kape, napakabango at sadyang mas masarap kaysa sa kape galing sa Nestle.

kapeng barako
Pero mukhang kakaunti na rin ang kapehan doon sa amin sa Cuenca. Madami kaming puno ng kape noon sa likod bahay pero ngayon ay wala na kahit isa. Bihira na rin ang may puno ng kape sa mga kapitbahay namin.

Ano ba talaga ang kapeng barako?


While the Barako has become a generic name for all coffee from Batangas, real Barako refers to Philippine Liberica and is known for its particularly strong taste, powerful body and distinctly pungent odor. “Barako,” in the vernacular, is a colloquial term referring to male strength and machismo. As such, particularly strong-tasting coffee is often identified as barako by the locals. Historically, it takes its name from "barako," the Tagalog word for wild boar, because these creatures are rather fond of dining on the plant's leaves and berries.

Of the four identified species of coffee (Robusta, Excelsa, Arabica and Liberica), Liberica has the largest cherries and therefore, bigger beans. Liberica can thrive in comparatively lower altitudes and is now predominantly grown in Cavite.[Source]

save the barakoTwo hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction. To learn more about the plight of our local Coffee Industry and How You Can Help, click here.

Syempre pa, huwag ding kaligtaang panoorin ang Barako the Movie. :-)

Read More......

Saturday, April 12, 2008

Batangas Coffee

Nang narinig ko kanina ang kantang ito ng Parokya ni Edgar, natawa talaga ako sa mga salitang ginamit sa kanta. Batanguenong-Batangueno ang dating! Nakaka-miss tuloy ang kapeng barako. hehe!

Pakinggan nyo dito kung di nyo pa ito naririnig. May isang taon na rin yata ang kantang ito:


Narito naman ang lyrics:

Batangas Coffee
Parokya ni Edgar

Bumangon ka na diyan at baka ika'y kapuyin
Ipunin na ang tubal at ito'y ating usungin
Pagpanaog dahan-dahan at huwag tutulog-tulog
Mahuna na ang hagdanan at baka ika'y mahulog

Salaula sa babag beinte-nuebe balisong
Paglamon o bakbakan siguradong di uurong
Bulalo, lomi at balatong, purunggo at tutong
Huwag mong sasayangin siguradong mabubusong

Tumatagurtor na ang tuhod ko pare
Walangjo naging nerbyoso dahil sa kapeng barako
Idaan mo na lang sa gin, alah-eh with ice na rin
babarik nang babarik nang babarik nang babarik

alah-eh!

Ano gang iyong problema, maglaro ka't maglibang
Bayuot ang iyong mukha aba'y hindi dapat gay-an
Gusto mo gang mag-jolen, basketbol-teks sa daan
kakam-baliw ay iwasan at mamahaw ka na laang!

Ang galpong ay isalang at sa medyas ay salaain
Pagkatapos patiningin ay iulam mo sa kanin
Bulalo, lomi at balatong, purunggon at tutong
Huwag mong sasayangin siguradong mabubusong!

Read More......

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP