Showing newest posts with label Food Trip. Show older posts
Showing newest posts with label Food Trip. Show older posts

Friday, July 03, 2009

Malungkot na Balita mula sa Cuenca

Umuwi ako kahapon sa Cuenca para magbaklay sumilip sa burol ng kababata ko na namatay dahil nakuryente. Sa Batangas Electric Cooperative (Batelec) siya nagtatrabaho at nasa field sya ng maganap ang aksidente. Nakakalungkot.

Gaya ng nakagawian ko na, tuwing may pagkakataon ay nadaan ako sa palenge para bumili ng kalamay at suman.
kalamay

Doon ko nalaman na nagkakagulo pala ngayon doon sa Cuenca Public Market dahil sa nakaambang demolisyon at pagsasapribado ng pamilihang bayan.

Cuenca Public Market

Napapalamutian ngayon ang paligid ng palengke ng mga placards at banner na may mensahe ng pagtutol sa hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Cuenca. Balita ko pa nga ay may nakasampa nang reklamo sa Ombudsman.

Sa mga taga Cuenca riyan, ano gang masasabi nyo dito?

Read More......

Tuesday, September 30, 2008

Lanzones Season



The parish priest in our barrio of Pinagtongulan in Lipa has thought up another feast to get people flocking to someone's door for free food and booze (because only three people went to my grandmother's home after the 'feast' to pray and transfer the image of San Lorenzo Ruiz to the home of next year's host, so reallym forgive me for sounding jaded). Twas a good thing though that we had another something-something to feast on: lanzones.

Trees in my father's lands were all heavy with these sweet fruits (that get you peeing a lot after), ready to be harvested. In the feast held at my grandma's home, we had two kaings for the guests to enjoy.

And considering the global warming and wacky weather, it's a blessing to be enjoying this bounty really.

So I really don't have any idea how much a kilo of these cost (my cousin says, it's now around P100/kilo) because we've almost always had them for free. That's one of the really great things about having a province :)

Read More......

Wednesday, July 21, 2004

KALDERETA at CRISPY PATA

Malaya na si Angelo dela Cruz! Mabuhay ang Pilipinas!

Alam ko, alam ko. Tayo lang naman ang masaya sa pangyayaring ito at patuloy ang panlalait sa atin ng Australia at Estados Unidos. Pero bahala na sila sa buhay nila. Ang mas mahalaga at mas masaya ay buhay si Angelo at malapit na siyang makapiling ng pamilya niya at kamag-anak.

Isa lamang ang pinapangamba ko. Napansin ko nang tinanong ng reporter yung isang anak ni Angelo kung ano ang ihahanda nila pagdating ng ama nila, ang sagot niya ng walang kakurap-kurap ay: "Kaldereta at Crispy Pata."

Ang Pilipino talaga. Walang pakialam sa kalusugan. Ang mas mahalaga palagi ay lasa.

Oo, nandoon na ako sa pauwi siya at kailangan magsaya. At alam ko din na paborito niya ang mga pagkain na nabanggit, pero tatapatin ko kayo mga kabayan: Masama sa kalusugan ang mga pagkaing nabanggit. Puede siguro kung kaunti lamang. Pero ano ba naman ang "kaunti" kapag mala-fiesta ang selebrasyon?

Sa amin nga sa Lemery, ang handa tuwing fiesta ay kalderetang kambing. Masarap. Walang kaduda-duda. Dito nga sa Maynila, hindi lahat kumakain ng kambing. Me mga iba na delikado pa. Pero alam nyo ba na mas okey ang kambing kesa baka o baboy? Ang palagay ko kasi ang kaldereta sa Pampanga ay baka at hindi kambing. Ang kambing kasi ay "herbivore" at palakain ng damo kaya hindi gaanong mataas ang cholesterol. Saan ba kadalasan nakikita ang cholesterol? Maari kayong matulungan ng litrato sa baba. Sana maiwasan ninyo hanggang maari o kumain lang ng kaunti ng mga pagkaing mataas sa taba o cholesterol.



Sa Philadephia sa Estados Unidos, ay may idinaos na pagtitipon ng mga manggagamot at siyentipiko kamakailan lamang. Sila ay nagtipon para talakayin ang mga makabagong kaalaman at panggagamot ukol sa pagka-ulyanin o iyong tinatawag na Alzheimer's Disease.

Ang isang lupon na nagsalita ay nagsabi na ang pagkain ng gulay katulad ng broccoli, spinach, at cauliflower ay nakakatulong makapagpatalas ng pag-iisip at puedeng panlaban sa pagka-ulyanin sa pagtanda. Hindi naman kailangan maghintay pa ng katandaan bago kumain ng madaming gulay. Mas maaga nating maging ugaling kumain ng gulas, mas mabuti.

Ang kabuuang balita ay maari ninyong mabasa dito.

Napag-alaman din sa nasabing pagtitipon na ang katabaan, pagiging mas mabigat ang timbang kesa dapat, pagkakaroon ng mataas na cholesterol, at mataas na presyon ng dugop higit sa normal (120/80), ay nakapagpapataas ng tyansa na magkaroon ng sakit na Alzheimer's o pagka-ulyanin.

Kain na ng gulay kabayan!

Ang sa akin lang naman eh, baka kako nailigtas natin si Angelo sa mga teroristang Iraqi, pero madadale naman siya ng mga sakit na maaring dala ng mataas na cholesterol. Paano na yan?

Read More......

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP