Kurukutok
Sino ga sa inyo ang nakakaaala pa kung ano ang kurukutok? Nanghuhuli din ga kayo nito noong kayo'y bata pa?
Nagsearch ako sa google images ng kurukutok, walang lumalabas. LOL
Ang kurukutok ang isang uri ng insekto na nakatira sa gabukan, kadalasa'y sa silong ng mga bahay kung saan hindi nababasa ng ulan. Naghuhukay sila ng bahagya at doon sila nakatago sa ilalim. Para itong kuto na kasing-laki ng langaw. Hmmm... Ngayon ko lang naisip, ito kaya yung tinatawag na kutong lupa.
Para mahuli ang kurukutok, maglalagay ka ng guyam (langgam na itim, yung maliliksi kumilos) sa hukay na ginawa ng kurukutok. Dahil maiistorbo ang kurukutok sa galaw ng guyam, lalabas ito at kakainin ang kawawang guyam.
Ginagawa pa rin kaya ito ng mga bata ngayon? :-)





8 comments:
Ahahaha naalala ko pa yang kurukutok. Lagi ako nanghuhuli nyan noon sa silong namin. Heto hinanap ko. Antlion pala sa Ingles. http://en.wikipedia.org/wiki/Antlion
ito naman mga pictures http://pi.b5z.net/i/u/995619/i/Ant%20Lion%20Pics/Image%20Gallery/giant-antlion.jpg
http://www.brisbaneinsects.com/brisbane_lacewings/images/Antlion.jpg
ito pa pala video
http://www.youtube.com/watch?v=CWkfAyfBDHE
Uy, salamat dito! :-)
kurukutok, ant lion ata to. hehe eto rin yung kalaban sa maskman. hehehe
kahit matanda naglalaro din niyan. sa probinsiya namin sa palawan ako unang nakakita niyan. dito sa manila wala pa akong nakikita
ay nong nasa elementary ako, takbuhan namin mga kaklase ko ay sa silong ng school di gat yari pa naman sa kahoy at tabla ang karamihan sa mga skul non, ay sya di kami ay may mga dala tingting at sya namin pingsusungkit sa gabukan para makahuli ng kurukutok...
kurukutok, ay madami nito sa silong ng scul namin sa sta rita, batangas and sa silong ng lolo ko. miss those times. larong kalye, tatsing. Now kids are like computers now, lagi hanap psp, DS, PS3. hay... wat a big change.
happy new year 2012
from Turkey
http://laracroft3.skynetblogs.be http://lunatic.skynetblogs.be
Post a Comment