Ano ga sa Ingles ang Anga-Anga?
May nakakaalam ga sa inyo ng tawag sa Ingles ng anga-anga? Naghahanap ako sa internet pero ako makakita. :-)
Ito yung parang butiki na nalipad (o mahusay lang tumalon?) at madalas ay nakadapo sa puno ng niyog. Hindi mo siya kaagad mapapansin kasi kakulay sya ng puno ng niyog. Malaki lang sya ng kaunti sa buti pero mas malaki pa rin sa kanya ang bangkalang.
Ano ang bangkalang? Ay siya, lumabo na!
Bubuli yata ang tawag ng iba sa bangkalang.
Pero balik ako sa anga-anga.
Naalala ko kasi ang anga-anga nang mapabalita ang tungkol naman sa tuko na gamot daw binibili ng mahal. Pero hindi dahil magkamukha ang ang tuko at ang anga-anga.
Naalala ko kasi ang anga-anga dahil gamot din daw ito sa hika. May kalaro ako noon sa Cuenca noong bata pa ako na hikain (Nasaan na kaya si Ryan?) at madalas ay naninilador ng anga-anga. Hindi ko matandaan kung iniihaw nya ito o inilalaga at iniinom ang sabaw. Hindi ko rin alam kung gumaling nga ang kanyang hika. hehe!
Ngayon, may nakakaalam ga sa inyo ng tawag sa Ingles ng anga-anga? Sana ito nga ang tawag dito.





4 comments:
nasubukan ko na rin hanapin yan dati. Parang sa atin lang meron. Tanda ko yung anga anga kase may pakpak sya... butiki version ng flying squirrel. Sana nga meron pa nun kesa mawala sya ng wala man lang nakakilala...
http://www.twitsnaps.com/share/photo/49878_flyingLizard.jpg
Malaysian flying lizard?
Anga-anga: Flying lizard (Draco volans)
Bangkalang, Bubuli: Common Garden Skink (Lampropholis guichenoti)
Trivia: Mayroong isang uri ng flying lizard na nadiskubre si Dr. Jose Rizal at ito ay ipinangalan sa kanya: ang Draco rizali.
Alam nyo ba na ang Philippine Crocodile Skink (kilala din sa tawag na Philippine Water Skink) o Tropidophorus grayi ay sa Pilipinas lamang makikita?
Akala ko ito yung tagalog word ng idiot or stupid. Hehe
Post a Comment