Thursday, August 13, 2009

Ralph Recto Resigned as NEDA Chief | Running for Senator?

Nagbitiw na pala si Ralph Recto bilang NEDA Chief. Sabi naman ni Eduardo Ermita, hindi namanito kawalan sa Palasyo. Ayan, dalawang Batangueno ang nasa Balita.


Socioeconomic Planning Secretary Ralph Recto who is resigning his post effective Aug. 16 to run for senator next year is not a “loss” to MalacaƱang, Executive Secretary Eduardo Ermita said Wednesday.

“I wouldn’t consider it a loss at all. If you notice, in the first place, among Cabinet members, I recall that Secretary Recto was among those recently appointed by the President,” Ermita said.[Source]

Bakit sya nagresign? Syempre pa, bilang paghahanda sa Philippines 2010 Election!

Sa isang banda, kahanga-hanga rin naman ang hakbang na iyon. Hindi tulad ng mga kumag na nasa posisyon ngayon na ginagamit ang kanilang opisina para magpalabas ng patalastas sa TV, hindi iyon ginawa ni Ralph Recto. Ngayon, lumabas man sya sa mga patalastas sa TV, walang magsasabi na ginagammit nya ang pera ng gobyerno sa pangangampanya. Maliban na nga laang kung magpalabas ng patalastas si Ate V at kasama si Ralph Recto. Uhm... wala pa ba?

Ganunpaman, hindi ko pa rin malamang iboboto si Recto sakali mang tumakbo sya ulit para sa senado. Hindi ko malilimutan na siya ang promotor ng EVAT. Ating tandaan, Ralph Recto = EVAT.

Syempre pa, pwede pa namang magbago ang desisyon ko depende kung ano ang kanyang planong gawin kapag nanalo sya ngayon.

Kayo, iboboto nyo ba si Ralph Recto?


Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

9 comments:

QV4 8:35 AM  

muy bueno el blog!!!!! saludos desde argentina. si puedes date una vuelta por nuestro blog.
www.qvale4.blogspot.com

Anonymous 11:27 PM  

sobra naman kayong mga batangueno, talaga palang wala kayong utang na loob. Dahil lang sa VAT na maganda naman ang layunin at marahil kung hindi dahil dun ay matagal na tayong lumubog sa mas matinding kahirapan ay nakalimutan nyo na ang iba pang mga nagawa nyang maganda tulad ng mga eskuwelahan at kalsada. Sayang lang ang mga ginugol nyang CDF para sa Batangas. Yung binoto nyo na si Trillanes, ano ba ang nagawa at magagawa para sa inyo?

Apol 5:40 PM  

Aling gang eskwelahan ang sinasabi mo? Yung Vilma Santos Type o Yung Ralph Recto Type? Ay pagsagaling nga naman ah-ah. Parang sarili nilang pera ang ginamit at ipinangalan sa kanila ano? :D

Kalsada ga kamo? Ang pagiging senador/kongresista ay hindi tungkol sa pagpapagawa ng daan. Saan ka ga naglalalagi at parang ikaw ay kalalabas laang ng bulkan?

Maganda ang layunin ng EVAT para kanino? Mula sa VAT, ginawang EVAT. From 10% to 12%. Ay pagkakalaki ng ginhawang idinulot nga naman sa mamamayan. Magaling na laang at may VAT kaya hindi lubog sa kahirapan ang marami. Salamat nga pala. hehe!

Anonymous 3:39 PM  

si recto man ang isponsor, inapruban to ng both senado at kongreso..at bago ma apruban yan, dadaan sa debate at botohan....nag walang pang debate, talo....

ibig sabhin, pabor mga mambabatas natin.

ang presyo ng mga bilihin ay dictated ng market and Evat may not affect that much...remember nung mataas ung presyo ng langis, binabato nila si recto....pero sooner bumaba din naman ito....ibig sabhin, it's not the VAT, it's the market forces..


johnstyx

Apol 11:53 AM  

bumaba o tumaas ang presyo, laging nandyan ang VAT. ;-)

Hindi kailanman pinapakinggan ang debate sa kongress. paramihan lang ng boto.

Anonymous 9:48 AM  

Sa tingin ko'y walang masamang layunin ang EVAT . yun laang maling paggamit nito kung makaligtas sa kurakot kaya nagiging masama. Dine sa amin sa Lipa,bilang sakop niya sa 4th district ng batangas noong Congressman siya,napagdugtong-dugtong niya ang mga pangunahing daan-concrete roads. Tama ka Apol, hindi iyan masusukat sa pagpapagawa ng mga daan dahil iyan naman ay pera din natin, pero bibihira ang mga kongresistang nagbabahagi ng kanilang nadudugas sa bayang kanilang pinapangataw-anan lalu pa't maayos naman ang pagkagawa.

Apol 8:00 PM  

Sabi ni Recto ipinasa daw ang EVAT dahil sa suggestion (o dikta?) ng IMF, susog ng Malakanyang at inaprubahan ng kongreso. Huwag daw sa kanya isisi. Dito mismo may mali na. Tsaka, saan mang anggulo tingnan, ang mga consumer ang papasan nito.

Kung tatanggapin na lang natin na ganito na nga ang kalakaran, huwag tayong magtaka kung bakit patuloy sa paurong ang ating bayan.

We deserve more than that. Itulak natin ang pulitika ng pagbabago at huwag na lang basta tanggapin ang kugn anumang ihain lang ng mga trapo.

Villar 10:27 PM  

Ay siya...nakakatawa naman areng si Anonymous. Ala eh sabihin ba namn niyang "Dahil lang sa VAT na maganda naman ang layunin at marahil kung hindi dahil dun ay matagal na tayong lumubog sa mas matinding kahirapan "...Ikaw baga ay BUANG? Walang naidulot na magnda ang EVAT.kundi pahirapan ang ordinaryong mamamayan. Ang nakikinabang laang ay yaon gang nasa posisyon sa gobyerno.

Kulangot sa Pader 4:52 PM  

Kung ano't ano pa man, nakikita namang pinaghandaan ni Recto ang pagkandidato. Kung iisipin nyo isang magandang hakbang ang pagalis niya sa pwesto ng maaga hindi ba? Positive ika nga. Nasa sa inyo na kung iboboto nyo ang isa na naman asawa ng Artista na ginagamit ang pamilya sa pamumulitika. Pagisipan nyo ang pagboto kung gusto ninyo ng pagbabago. Sa Batangas magbabangaan ang isang Darna at BatangueƱong Totoo. Alin ka dito?

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP