Friday, July 03, 2009

Malungkot na Balita mula sa Cuenca

Umuwi ako kahapon sa Cuenca para magbaklay sumilip sa burol ng kababata ko na namatay dahil nakuryente. Sa Batangas Electric Cooperative (Batelec) siya nagtatrabaho at nasa field sya ng maganap ang aksidente. Nakakalungkot.

Gaya ng nakagawian ko na, tuwing may pagkakataon ay nadaan ako sa palenge para bumili ng kalamay at suman.
kalamay

Doon ko nalaman na nagkakagulo pala ngayon doon sa Cuenca Public Market dahil sa nakaambang demolisyon at pagsasapribado ng pamilihang bayan.

Cuenca Public Market

Napapalamutian ngayon ang paligid ng palengke ng mga placards at banner na may mensahe ng pagtutol sa hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Cuenca. Balita ko pa nga ay may nakasampa nang reklamo sa Ombudsman.

Sa mga taga Cuenca riyan, ano gang masasabi nyo dito?

Related Posts by Categories

Widget by Hoctro | Jack Book

17 comments:

deng 5:33 PM  

bias naman pinsan kung ako lang magsasalita pero dahil nasisira na angkan ng dahil diyan sa palengke na ang nais laaang naman ng naka upo eh iaayos dahil sa dami na ng violation nito. ang tutotoo ay talagang makakasuhana na si mayor dahil nga sa sanitation nito ay bagsak, fire hazard na din etc. ay saan mo ilalagay ang mayor? sa totoo lang dapat sana'y di na makakakuha ng kaakibat na pribado ang munisipyo ng cuenca kung hindi lang napulitika. nakakuha sana ng budget dun sa isang tatakbong pangulo sa darating na halalan sa 2010, pero dahil sa pulitak duon sa national ay di ito natuloy.

ang pagpatayo ng palengke ay naka pattern sa nais ng gobyerno na kahati ang pribado sa pagpapatakbo o namuhunan dito at hindi sa ikinakalat ng tumututol dito (potah ang masakit na kamag anak pa mismo ang sumisira sa kadugo niya na ang nais lang niyang igiit ang personal nyang interest! hoy alam mo kung sino ka pati kapatid mo mapapatay mo na sa kakagiit mo ng gusto mo!) na solidong pribado ang pagtakbo. Di ka ga nahahabag at nangdadamay ka pa iba na ala naman kinalaman dine???!! sasabihin mo ala kang utang na loob kahit kanino??!! kilabutan ka naman!! nagkakakababae ka pa naman di ka na nahiya! May umikot ngang kwento na nagpapayaman si mayor! ahhahahaha wish nya lang di naman lingid sa iba na may pera din ang mayor pero tungkol sa sahod nito bilang alkade ay di nman niya napapakinabangan at napupunta sa mga taga cuenca ng may kailangan. ay nun tanungin ko nga insan yun isang malapit tungkol sa umiikot na balita eh, nagbenta pa nga raw si mayor ng dalawang lupa ay panong nagpapayaman?!!

isa pa, panay ang tanong nun ex mayor nun publik hearing ng kung ano ano na paulet ulet kayat ng siya ay sinagot ng "alam mo ga, tatlong termino ka sinuportahan ng angkan ko, di mo ginawa ang palengke, ngayon iaayos ko ang lahat ay bakit hindi mo ko supportahan bagkus isa ka pa sa pasimuno ng mga kalokohan" hay. . . pagkatapos ay ikakalat mo na dinuduro ka nun publik hearing?!! ay lintek kung gusto mo ng gulo sige dumale ka n ng gusto mo!! nakakalungkot na na brainwash na yata ng tuluyan ang mga andito sa cuenca eh. hmm naiisip ko na tuloy na tuwang tuwa yun isang nagpupumulit na makaupo sa cuenca na bigla na laang sumulpot dito sa aming bayan at gusto magpatakbo n syang dahilan kung bakit nasubo ang ang isang ka angkan ko labanan siya!! malapit na ang eleksyon sayang naman ang palengke kung ito'y mabibitin. sanay lumawak ang kamalayan ng taga cuenca! alam mo ga insan may presyo na daw sa NPA ang ulo ni mayor sa cuenca eh! pambihira bakit kelangan umabot dito? kung paano mo nakilala si mayor pinsan, para sa akin di pa sya nag bago. napapalaki lang ang issue at nasiraan na sa taga cuenca na syang siguradong sasamanatlahin ng ibang pulitko.

Apol 10:58 PM  

^ Hala, mukha talagang malalim na ang isyung ito ah. May mga gay-un na palang kwento. Pag nakauwi ulit ako, maghahagilap ako ng dokumento tungkol sa plano sa palengke. Hirap kasi panghawakan yung sabi-sabi ng mga tutul dito eh. :-)

Di ka ga uuwi? Si Osep yung tukoy ko. alam mo na ga?

deng 10:53 AM  

Umuwi ako nun sat ng gbi nkasilip din ako kay usep. Malungkot n balita nga dahil may mga naulila.
Yun tungkol s palengke, masalimuot eto bago naiayos at s legal n paraan. Ngayn aprub n lahat ng papel ay ok n para simulan subalit may iilan lang naman ang tutol. Pati nga nde taga cuenca na hakot s pagprotesta ay naanduon daw pag may rally. Hehe ay ang latest n sex video nkarating n ga s iyo!? Hahaha pag nka online ako pm kita!

Apol 5:10 PM  

Yun gang Bungahan Scandal? hahaha!

deng 1:17 PM  

hahaha may kopya ka ga? ilalathala mo din ga iyon dine? hihihihi

dimax 4:31 AM  

Ano ga sa iskandal na napunta. Mga kabayan kapag documento madali naman makuha yan. Hingi lang tayo ng diretsa makaka kuha tayo. Di naman kase sikreto yung proyektong yuon. Ang gusto pa nga ay malaman ng mga tao. Isa lang ang dahilan niyan kung bakit pribado. WALANG PERA ANG MINISIPYO.

Anonymous 4:18 PM  

my sympathy goes to the people of cuenca,d ako taga batangas pero napamahal na sa akin kc taga taysan ang minahal ko sana di xa mabitin sa ginigawa nyang linya ng kuryente,jowk...naway matapos na ang bangayan poh..tulungan na lang po sana

zuTiL 12:50 PM  

mga kabayan, ano na gang latest tungkol sa palengke natin? huli akong umuwi noong july 11... napansin ko na naka-ayos na ayung pansamantalang paglilipatan. nakahilera dun sa papuntantang munisipyo. natuloy na ga ang paglipat?

para sa akin, dapat lang na mabago na yung palengke. pero dahil nga sa mga sulsol ng kung sinu-sino, magkakamag-anak at magkaka-ibigan na ang nagkakabanggaan. parehong malapit sa pamilya namin yung dating mayor (kamaganak ni tatay) at yung naka-upong mayor (ninong sa binyag at sa kasal ng ate) kaya medyo mahirap din para sa amin yung usapin na yaon. ang payo ko na lamang sa amin eh kung saan mas madami ang makikinabang... sa makakabuti sa mas nakararami.

nagkataon din na mayroong motorcade ng mga "pro" nuong huli kong uwi... nakakatuwa naman na madami ang sumusuporta.

Anonymous 9:34 PM  

talagang nakaka annie (kadiri!) na yaang palengke na yaan! kaya para sa akin dapat ng maipagawa yaan sa lalong madaling panahon!

Anonymous 8:49 PM  

good evening mr. apol apuntar.. kung pwede po sana malaman kung saan kau sa cuenca??? taga duon ho kasi ang pamilya nmn.. cuevas at marasigan at lopez po...thank u..

riza

Anonymous 1:06 AM  

Totoo po na dapat na ring maipagawa ang palengke ng Cuenca at hindi naman tumututol dito ang mga manininda. Ngunit ang gusto ng mayor ay gawing pribado ito na ang papasan naman napakalaking proyekto na ito ay ang mga manininda at mamimili sa Cuenca.

Kung pagbabasehan ang huling kontrata na napirmahan ni mayor sa Ithiel corporation ay halos magiging empleyado na lamang ang mga manininda dahil Ithiel ang magbabagsak ng mga paninda tulad ng isda, karne, gulay at prutas. Papatayin nito ang mga lokal na produkto na dala ng mga magsasaka at mangingisda ng Cuenca.
Bukod sa malaking bayad sa renta sa stalls, Ithiel din ang may kontrol sa bayarin sa kuryente, tubig at iba pang utilities. Kaya't patung-patong ang babayaran ng mga manininda. Nakasaad pati sa kontrata ang taun-taon na pagtaas sa renta ng stall.

Ang temporary market ay nagdulot ng malaking pagkawala ng kita ng mga manininda dahil ang mga suki na may sasakyan ay walang maparadahan kaya't sa halip na mamili sa palengke ay pupunta na lang sa ibang lugar. Kung talagang nais ni mayor na dumaan sa tamang proseso, bakit hindi pa nya ito ipinapatanggal? Ang resolusyon na ginamit nila para dito ay nakabase sa unang resolusyon na nadis-aprub sa Sangguniang Panlalawigan. Kaya't ang resolusyon ay wala nang bisa. Nakaka-abala na rin ito sa mga dumaraang sasakyan lalo na sa malalaking truck na sumasabit sa napakanipis na bubong at mahunang coco lumber.
Napakalaki ng proyekto na ito para pasanin ng mga taga-Cuenca. nasa 70M ang kontrata at napakagarbo ng building na ipapatayo. Aanhin naman ng mga taga-Cuenca ang malaking building kung mataas ang bilihin at walang mamimili?
Hinggil naman sa kaso sa Ombudsman, hindi rin ito ang makakapigil sa proyekto. marahil ay may ilang ginagamit ang issue sa palengke sa pansariling interes kaya ginawa ito.

Napakadaling maniwala at sumang-ayon kung ang sasabihin sa iyo ay ipapagawa at ipapaayos ang palengke ngunit kailangan din nating tanungin kung paano at sa anong paraan.
Hindi tumututol ang mga manininda sa pagpapagawa ng pamilihang bayan ng Cuenca. ang tinutulan lang nila ay ang pagsasapribado nito.

@deng, san naman po nanggaling ang balita nyo na may presyo na sa NPA ang ulo ni mayor? Baka naman sa kamag-anak nyo rin? malamang ay nananakot lamang ang nagbalita nyan dahil sa pagkaalam ko ay hindi gawain ng NPA ang maging hired guns.

Anonymous 1:13 AM  

Maganda ang maghangad ng pag-unlad ngunit ang pag-unlad ay para kanino? sa proyektong ito ay Ithiel Corporation at iilang gahaman lang ang makikinabang.

Anonymous 8:25 AM  

Hindi kami tutol sa pagpapagawa ng pamilihang bayan ng Cuenca - magandang senyales ito para sa globalisyasyon. At alam namin mas mapapairal ang kaayusan at kalinisan. Ngunit sa kabilang banda, bakit kailangan pang isa-pribado ito. Alam namin na ang kontrata ay tatagal ng 35 years o higit pa, depende sa dikta ng mga taong magpapatakbo nito. Malaki din ang katanungan namin kung kaya ba ng Cuenca na magpagawa ng kagaya o higit pa sa mga Palengke ng mga FIRST CLASS MUNICIPALITIES sa Batangas. Alam naman nating 4th class municipality pa lang tayo.

Ang isa pa nito ay magkakaroon ng MONOPOLY ng supplier para sa mga goods and commodities na ibebenta. Ibig sabihin ay ang mga taong nasa likod nito ang syang may karapatan na pumili ng magsusuply ng karne, gulay, isda at ibat iba pang bagay na pwedeng itinda. Ang tanong, paano ang kababayan nating maliliit na nagtatanim galing sa Brgy Bungahan, Maculot, San Felipe, Ibayiw, Mambog, Greenhills, Kulit at Brgy 7. Saan nila ibabagsak ang para dalawang kaing na sinaka nila, Sa Maynila ba? Nakakatawa naman yun pero sa totoo nakakahabag. Paano din ang kababayan nating mga mangingisda sa Lumampao, san nila ibabagsak ang 1 timbang isa na pinaghirapang hulihin magdamag. Sa Maynila din ba? O sa karatig bayan na mayayaman din sa lamang dagat?

Madaming mawawalan ng trabaho baka nga kamag-anak or mga magulang nyo pa sila na nagbabakasakali kahit konteng kita galing sa likod bahay na tanim.

Isa tong Domino effect sa atin. Para naman sa mga mismong manininda - Matagal na ang balita na mas mura ang presyo sa Brgy Natunuan San Jose Batangas at yun ang Lumamon at nagpalubog sa palengke natin. At alam natin na walang magawa ang gobyerno para KONTROLIN ang presyo nila. Sa kabilang banda, kapag nagawa ang palengke natin na pang first class municipality, sabi ko nga domino effect to - tataas ang upa, walang kasiguruhan sa presyo ng mga commodities na ipapasa ng MONOPOLY na supplier sa mga maliliit na magtitinda. Ang resulta ay mataas na presyo ng bilihin.

Bakit ang Malvar Batangas, 2nd class municipality, napagawa nila ang palengke nang hindi isinasapribado ito. Dahil sa sila'y tulong tulong. Walang hindi magagawa kung tayo tulong tulong. Wag tayong maging makasarili o sakim.

Ako ay isang anak ng magtitinda sa palengke, pinag-aral kami sa magandang eskwelahan dahil sa palengkeng yan at nagtatrabaho sa isang malaki at sikat na Kumpanya. Gradweyt ako ng Ekonomiks sa kilalang Unibersidad. Pati pagdodoktor ng kapatid ko ay dyan galing. Sa totoo lang kahit baguhin ang palengke mabubuhay kami ng ayos at sagana ngunit paano ang mga maliliit na tao na araw araw at gabi gabiy nalapit sa amin at umiiyak.

Itong pinaglalabang ito ay di lang basta pera kundi prinsipyo. Marami ang di nakaka-alam kung anu ba talaga ang nasa kontrata. Base sa aking propesyunal na opinyon bilang ekonomista, mali ang proseso. Pero ito ay opinyon ko lang, sumangguni ako sa brad kong abugado at kinumpirma nya na di tama ang mga nakasaad sa kontrata. Sa nakikita ko isa itong lifetime security ng mga taong involve.

Pwede nating pagawa ang palengke sa tamang panahon. Andito lang kami para sumuporta. Hindi natin kailangan ng pribadong entity na magdidikta sa atin, anu pa't naging taga Cuenca tayo.

Katambayan ko kagabi ang mga anak ng mga magtitinda habang nagbabantay sa palengke, naisip ko likas tayong matulungin at masipag, aanhin pa natin ang karakter na yun kung di natin gagamitin para pagtulong tulong.

Dahil sa palengkeng yan napag-aral kami sa Lasal, Ateneo, University of Asia and the Pacific at UP. Malaki ang utang na loob namin sa kanya. Pagawa natin to sa tama at maayos na paraan.

Anak 8:30 AM  

Anonymous 10:12 AM  

auz lng pgwa ang palengke peo hndi ung private z hndi kea ng mga nangunguphan s kgs2han nia bguhn ang palengke dmi ngbubuwis ng buhay tsaka gs2 lang mgpayaman ng lerry un....wg mgal8 ang mka lerry jan z un ang 22o...

Anonymous 4:42 PM  

base s pinirmahang kontrata ni celerino endaya, municipal mayor ng cuenca, at manuel santos, general manager ng ithiel corporation, sa presensya ni gregorio apuntar ay nasasaad ang mga sumusunod:

Section 1.

lessor: municipal government of cuenca, batangas

lessee: ithiel corporation

rentable area: 6621 sq.m.

rental rate: Php 40,000 a month

lease term: 35 ys subject to extension based on the new terms and conditions to be mutually agreed upon by the parties

escalation: 5% every 5 years - year 1 to year 20
10% every 5 years- year 21 to year 25
15% every year - year 26 to year 35

Section 3.2 Term

...For and in consideration of the financial obligations of lessee to lessor under the lease, the lessee shall have a pre-emptive right of first refusal to open a new wet and dry market within the poblacion area, wether situated in a private or public property, during the term of the lease. likewise, lessor shall not allow any ambulant/illegitimate vendors and "tiangge" markets within the poblacion area during the term of the lease for the protection of the interest of the legitimate vendors and lessee.

Section 4.2 Selection of stallholders

2. the lessee shall require all duly qualified and selected stallholders to pay rental deposit equivalent to 7 months of the basic rent of the market stall.

5. lessor grants lessee the right to implement the following increase in the rental rates of the market stalls to cover any increase in the operating cost and related maintenance costs and expenses.

starting on the 2nd yr up to the 4th yr
- 5% annual increase

starting on the 5th yr up to 35th yr
- at least 10% annual increase

Rental rates

Section rate/sqm/day
meat P19.00
fish 19.00
vegetables 19.00
fruits 19.00
chicken 19.00
ice storage 16.00
coconut 16.00
driedfish 16.00
grains 17.00
feeds 18.00
coffee 18.00
groceries 19.00
eggs/salted eggs 19.00
gulaman 19.00
variety 16.00

and so on.

sa kasalukuyan, ang renta ng aking ina sa kanyang papag sa gulayan ay P10/sqm. ipagpalagay n 30sqm ung papag n un, 300php kada araw.

pag naisapribado ang palengke, ang 300php kada araw ay tataas ng 570php kada araw para s 30sqm.

e kung tutuusin, halos 600php na lamang ang kinikita niya sa palengke.swerte na ang makabenta ng isang libo sa loob ng isang araw.

tama ang mga tagapalengke, bakit klangan isapribado?wala n bang pera ang kaban ng bayan?

matagal ng naubos ang mga mamimili.maghahakot b ang ithiel ng bibili sa suki market nya?

ung mga sang-ayon sa pagsasapribado nito, mamimili ba kayo sa suki market ng ithiel kung ang produktong iyong bibilhin ay mas mura mong mabibili sa mga karatig bayan tulad ng natunuan para sa karne,lemery para sa isda,lipa para sa mga gulay at prutas?

nagrereklamo na nga tayo sa presyo ng bilihin dito sa cuenca,e di lalo na kung tumaas ang renta ng mga magtitinda na sa kalaunan ay ibabato rin sa mga mamimili.

tama, DOMINO EFFECT ito, lahat ng taga-cuenca, apektado.

Anonymous 3:09 AM  

Hindi na nga na tuloy ang pag gawa sa palengke. Ang nakaka lungkot ay nagamit ang ibang tao sa pamumulitika dahil sa usaping ito. Sa maraming alam tungkol sa usaping ito at kung talagang para sa maliliit ito. Bakit mas maraming ma liliit ang nag babayad dito ng napakalaking upa? At yung mga malalaki ay sobrang liit lamang ng upang binabayaran? Talagang hindi masarap dayuhin ang pamilihang bayan ng Cuenca dahil nakakatawa ang mataas na presyo ng paninda. Mga panindang na hihingi mo sa kapitbahay ay ubod ng mahal sa palengke. Kapag nag punta ka sa mga katabing pamilihan ay higit talagang mas mura. Mataas ang presyo ng maliliit na mag titinda para lamang makabayad sila ng upa. Sino nga bang yumayaman sa Cuenca? Eh di yung may malalaking pwesto laang. Di pa ga halata?

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP