Congressman, kakaani ka na!
Alam ga ninyong tatlo sa district representatives natin sa Batangas ang sumuporta sa HR 1109 na nagbibigay daan na gawing Constituent Assemmbly (ConAss) ang Mababang Kapulungan? Layunin nito na baguhin ang konstitusyon kahit walang partisipasyon ang senado. Kapag nagkagay-on, makakaya nilang baguhin ang konstitusyon bago pa ang 2010 Eleksyon! Pinangangambahan ng marami na magbibigay daan ito para palawigin pa ang pangungurakot termino ni Gloria Arroyo.
Payag ga kayo dito?
Narito ang magagaling na mambabatas na natin na sumusuporta sa ConAss. Diumanyo'y may kapalit na P20M ang kanilang pagsuporta dito. Kung ito'y totoo, kakaani ang mga are!
Vicky H. Reyes
Batangas, 3rd District
LAKAS-CMD
Term: 3
Age: 54
Date of Birth: 10 September 1954
Place of Birth: TANAUAN, BATANGAS
Religion: Catholic
Civil Status: M
Spouse: Rodrigo C. Reyes
Other Profession: Businesswoman
Eileen Ermita-Buhain
Batangas, 1st District
LAKAS-CMD
Term: 3
Age: 40
Date of Birth: 12 May 1969
Place of Birth: MAKATI CITY
Religion: Catholic
Civil Status: M
Spouse: Eric R. Buhain
Other Profession: Businesswoman
Mark Leandro Mendoza
Batangas, 4th District
NPC
Term: 1
Age: 35
Date of Birth: 28 August 1973
Civil Status: M
Spouse: Rochelle S. Mendoza
Other Profession: Businessman
Galing ang mga larawan sa Bastusang Pambansa.





6 comments:
Ala eh HINDI ako papayag! Nakita na natin kung ano ang pinaggagawa niya sa ating bansa lalo laang tayong papahirapan kapag lumawig pa ang termino niya. Kaya, Madame Vicky sana naman ay huwag na kayong makisawsaw pa sa Con-ass na iyan. Pls. lang.
oo nga naman. ano ga naman are si vicky! para 20M ay napka laki ng kapalit. luging lugi eh!
Ay naku! para kayung bagong-bago dyan kay vicky reyes na iyan, wala naman alam iyan kaya ang biruan sa congreso ay chairperson daw iyan ng isang committee, ito yan ang Committee on Silence. ewan ko ba at bakit ibinoboto yan ng mga ka distrito nya. marami naman syang nakalaban nun nga nakaraang halalan na mahusay husay at matatalino, makisig, agresibo at magandang lalaki, sayang yung kandidato ni FPJ nun 2004, kung sya ang taupo siguradong lagi nasa TV ang boses ng 3rd district ng Batangas.
nakaka ane talaga ang mga yaan!
Part yan ng democratic process natin and it is legal.
let's see ano mga amendments saka tayo mag react....malay mo magaganda ung mga amendments.
Dadaan sa ating mga kamay yan sa pamamagitan ng plebisito...by then, we will campaing in the hustings.
johnstyx of Mabini
Hoy Johnstyx, Wag ka nang magbubu-bubuhan! ano ga laang naman purpose ng charter change at bakit ga sa tingin mo gagastos ang mga diablo sa malacanang lalu na iyang ama ni eileen ermita... eh diga'y para palawigin pa ang haba ng kanilang pangungurakot. Anong democratic process na sinasabi mo? Ikaw pala'y utak apta! Sana alam mo ang apta...baka ikaw ay mapaiyak pagnakita mo iyon... Ang pagkaliit pala!!
Islaw ng lawa ng Taal
Post a Comment