Bakit umuulan kahit tag-araw?
Syempre kay pareng global warming madalas iyan isisi. Dahil daw sa climate change.
Pero may kabarekan ako dati sa amin na may paliwanag din tungkol dito."Ay sa tanda na rin ga namang iyan ni San Pedro, ay di syempre'y nag-uulyanin na rin iyon! Ba'y di ikaw ang tumanda ng gay-un? Sige!"
Palaga nyo? hehe!
Naalala ko tuloy noong nasa elementary pa lang ako, inaabangan namin yung unang ulan tuwing Mayo. Nag-iipon kami noon ng tubig ulan at iniinom. Gamot daw kasi iyon. Syempre hindi ito yung tubig ulan na sasahurin sa mga alulor. Dapat daw ay walang pinagdaang iba, diretso mula sa taas. Yun ang sabi ng Mamay ko.
Tapos bandang huli napakinggan ko din naman kay Ernie Baron na delikado daw inumin yun.
Mas naunang namatay si Ernie Baron kaysa sa Mamay ko kahit na mas bata pa si Ernie. Sino kaya ang tama sa kanila?
You be the judge. :-)





5 comments:
Hahaha. Naalala ko nung namatay si Ernie Baron, nasa hospital ako nun, hinihintay ang nanay kong nagpa checkup, at napanood ko sa hospital TV may mga pinapakitang pictures ni Ernie.
Akala ko nun joke. Tumawa pa ako ng malakas. Hehe. Yun pala totoo...
hahaha! gay-un din sabi sa akin ng mamaya tungkol sa unang ulan sa mayo!
kabayan, ang site na ito ay sigurado ko ng aantabayanan dahil batangueƱo din ako :)
naiintindihan ko ang lahat ng nakasulat dito. kaibigan, isigaw nating batangueƱo tayo! :)
Kasi umeepekto na talaga ang global warming.
Tama kayo mga kabayan. ang unang ulan daw sa buwan ng Mayo ay magaling at nakagagamot. Agua de Mayo ang tawag sa amin dito sa Lipa
Post a Comment