Thursday, April 02, 2009

Anunsyo

Wala akong mahalagang anunsyo. Naalala ko laang yung matatanda doon sa amin na mahilig mag-anunsyo tuwing may mga kakaibang nangyayari.

Hindi nyo pa rin masundan? Uhm... may kinalaman ito sa jueteng na sikat na sikat sa atin. Ngayon, alam nyo na kung ano ang anunsyo? hehe!

Di ga'y kapag may namatay ang tatama day ay alin man sa 9, 19 o kaya naman ay 29. Ang 9 yata ay numero ng patay. Hindi ko lang alam kung bakit.

Kapag may natuwa naman o halakhak ng halakhak, 14 naman daw ang tatama. Kapag may kinalaman naman sa lupa, 30 naman daw ang tatama. Anunsyo ang tawag sa mga gay-an, di ga?

Isa pang pinagkukunan ng numero ay iyong itlog ng anlalawa. Kapag tinanggal yung sapot na nakabalot dito at aaninagin ang parang balat na bumabalot sa itlog, may numero kang makikita. Pwede rin iyong tay-an sa jueteng.

Bakit ko naisipang magsulat tungkol sa anunsyo?

Isang beses kasi papunta akong trabaho, nag-taxi ako kasi late na ako. Tapos pauwi naman, dumaan muna ako sa Mall of Asia at nag-taxi na rin pauwi. Akalain mong yung taxi na nasakyan ko noong umaga ay sya ring taxi na nasakyan ko pauwi?!

Ano kayang anunsyo sa gay-un?


Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

2 comments:

dimax 7:04 AM  

ay ano gang tumama? hehe

batangenyo taga lipa 5:05 PM  

ay sya may tae ka yata sa pwet ng umalis k ng bahay at nakalimutang mag-iwang pati driver eh nasundan ka eh! hahaha joke lng kabayan. baka naman akoy iyong kagalitan. anunsyu!

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP