Wednesday, April 08, 2009

Anting-Anting Sa Gigil!

Sino ga sa inyo ang may anting-anting?

Doon sa amin sa Cuenca, tuwing sasapit ang mahal na araw, partikular tuwing Biyernes Santo, ay marami ang nagpapasubok ng anting.

Isang beses pa lang naman ako nakapanood talaga ng nagsusubok ng anting at medyo bata pa ako noon. Syempre hindi pa naman iyon katagalan. :-)

Nakakita na ako noong sinubukang barilin yung medalyon pero ayaw pumutok, pero noong itinutok pataas yung baril ay pumutok naman. Sabi nila, kapag suot mo daw yung medalyon, hindi puputok ang baril kapag nakatutok sayo. Mayroon din namang tinamaan ang medalyon pero wala man lang gasgas. Dito naman, hindi ka daw tatablan ng nabala kapag binaril ka. Aywan kung paaano iyon nangyayari.

Ang Mamay Ido ko ay kabalitaan ding mag-aanting. Experto naman sya sa mga sakit sa mata. Madami daw siyang anting dati kaya lang ay ibinaon nya na raw sa bundok kasi wala daw mag-aanting ang yumayaman. Ati'y hindi din naman yumaman. haha!

Pero marami nang pinagdaanan ang Mamay na sinasabing nailigtas ng anting-anting nya. Nariyan nang nabaril ng Hapon sa hita noong gera. Nabangga na sya ng jeep sakay ng bisekleta. Nauna pa nganng mamatay ang Lola ko kesa sa kanya kahit na sya naman itong sakitin. Noong nakaratay na nga ang Mamay at malapit nang mamatay, medyo nahirapan pa sya hanggang sa may inuluwa syang buto ng di malaman kung anong puno galing. Pinapalunok nya iyon sa sinuman sa anak nya pero wala namang naglakas-loob. Kung nandoon daw ang utol ko, lulunukin nya raw yun!

Pero kahit paano naman ay may namana pa ring anting-anting ang mga anak niyang mga lalaki hanggang sa mga apo nya. Alam nyo ga yung anting sa gigil? Lahat yata ng anak nya ay nakaman niyan. LOL

Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

9 comments:

thenocturnal 1:12 PM  

hey random, taga cuenca ung family ko, haha

Apol 2:59 PM  

Akalain mo yun?! Saan sa Cuenaca?

dimax 4:31 AM  

hehe anting sa gigil. nakakita ako ng sinukuan sa dolores aywan ko laang kung tunay na sinukuan iyun! hehe

dimax 7:33 AM  

ka sayang may pasok ako di man lang naka panoor ng nag tetesting.

BAYUKE 2:39 PM  

Naku maaalaan kng yan eh tunay bka eh pawang kabulaanan laang..hehehe.hindi yan nag eh tunay ang lolo q nga mamay tio nun cya eh pumanay hirap n hirap. tlaganng my nuluwa ng bato un daw eh anting sabi ng lola.

reyjr 3:44 PM  

4 years na ako nag tatarbaho dine sa Batangas City malapit. Kabisado ko na ang SM Batangas. Haha. ;) At may kaunting Batangueno na ring natutunan gaya ng: tubal, bilot, bangihan, patak, at iba pa. Nakakatuwa ang site mo. ;)

zuTiL 8:20 AM  

kabayang Apol, saan ka ga sa Cuenca? lapit na fiesta sa bayan ah.

Apol 1:02 PM  

zuTiL, oo nga. sa Byernes na pero balita ko ay wala daw peryhan ngay-on? hehe!

Taga brgy 7 ako. ikaw ga?

zuTiL 4:14 PM  

@ Apol - taga-Luta ka pala... sa Emmanuel ako, sa Sampalocan.

malimit ka gang umuwi sa atin? kamusta na kaya yung usapin tungkol sa palengke natin?

hapi pyesta.. bukas na ah! mayroon na gang dinug-an at kalderetang butu-buto?

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP