Mula Canada
Mumunting regalo mula sa kaibigan sa abroad.. hay.. Kagagaling ko laang sa Los Banos dahil kinuha ko yung package mula sa kaibigan ko galing Canada.. este taga Canada. Sa totoo laang taga Batangas siya. Sa may .. naku nakalimutan ko na naman yung address niya. Saan nga ga yun? Teka,. aking iisipin muna ha. Palagi ko na laang nakakalimutan ang lugar na iyon dahil di yun katabi ng highway. Basta ang alam ko subdivision un ng shell. ay ewan. nagkaribok na. Basta mamaya maalala ko rin iyun.
Yun na nga, nakuha ko yung package na naglalaman ng sulat at ilang munting padala galing sa kanya. At ako naman ay nagpadala rin ng ilang libro na ang nagsulat ay taga dito sa atin sa Pilipinas tsaka yung tumbler na binili ko pa nung minsang nagpunta akong EK.
Natatandaan ko pa nung una kong makilala ang kaibigan ko na ito. Nagsimula laang yun sa chatroom (Batangas Chatroom). Nakalaunan ay sa Ym na kami naguusap at hanggang ngayon ay manaka nakang nagbabalitaan sa Friendster at Blogspot. Tingnan mo nga naman.
Yun, dun siya nakatira sa may Banaba, yung gang subdivision na ang daan ay shortcut mula Balagtas ata yun ang labas mo ay sa may tapat ng shell refinery. Basta di ko masyadong tukoy ang parteng iun ng Batangas dahil masyadong tago.

0 comments:
Post a Comment