Balikas: Balita sa Batangas
Kung ikaw ay nasa malayong lugar (lalo na kung nasa abroad) at gusto mong magbasa ng balita tungkol sa mga kaganapan sa Batangas, subukan nyo ang Balikas Online.
Medyo magulo nga laang ang layout at interface ng balikas.net, pero hitik na hitik naman ito sa mga balita lalo na tungkol sa mga may kinalaman sa kalikasan.
Katulad na laang ng balitang ito tungkol sa minahan sa Calatagan, Batangas.CALATAGAN, Batangas – Tutol ang mga mangingisda sa bayang ito na matuloy ang proyektong minahan ng Asturias Chemical Industries dahil sa diumano’y masasamang epektong maaaring maidulot nito sa karagatan at mga taong umaasa ng ikabubuhay dito.
“Lahat ng mga basura at putik na magmumula sa minahan ay sasaluhin ng dagat,” wika ni Ruperto Aleroza, advocacy officer ng Samahan ng Maliliit na mga Mangingisda sa Calatagan (SAMMACA).
“Kung yung mga sea grass at corrals na tahanan ng isda ay matatabunan ng lupa mula sa bundok ay ilang libong mangingisda ang maapektuhan,” dagdag niya.
Ang kumpanyang Asturias ay binigyan ng 25 taong mineral production sharing agreement (MPSA), isang uri ng permit, ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang minahin ang mahigit 2,336 ektaryang lupain sa Barangay Baha, Talibayog, Punta at Hukay sa bayang ito.
Ang nasabing proyekto ay tinututulan din ng mga magsasakang maaapektuhan kapag nagsimula na ang nasabing proyekto.
Gayunpaman, ang proyekto ng Asturias ay pinaburan naman ng Department of Environment and Natural Resources at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Ayon kay Aleroza, kapag natuloy ang proyektong mina ay matatabunan ng mga basurang mina, banlik at putik ang mayamang karagatan ng bayan.[Balikas]
Maraming parangal na ang natanggap ng Balikas, ang pinakahuli nga dito ay ang Best in Environmental and Science Reporting na iginawad ng Philippine Press Institute ilang buwan pa lang ang nakakaraan.
Sa dami ng isyung pangkalikasan sa Batangas. malaking bagay kung mas marami ang maabot ng balitang hatid ng Balikas.





5 comments:
ganun ba? pumayag si Ate Vi? bakit kailangan pang gagawa ng minahan e pinagkakakitaan naman na ng mga farmers at fishermen
gay-un yata talaga ang kalakaran dito sa atin Nanay Belen. Kaasar..
binigyan ba ng environment compliance certificate ng denr? kasi kung nabigyan nakasaad doon kung paano mapigilan ang masasamang epekto ng minahan; sa pamamagitan ng mga DAO (department orders) ng denr.
no ustedes intende..
THANKS IT HELP ME FROM MY ASSIGNMENT IN FILIPINO. BUT ITS NOT RIGHT TO HAVE MINING DO YOU WANT TO BE THA SAME ACCIDENT IN COMPOSTELLA VALLEY
Post a Comment