Kapeng Barako
Kailan ka ga huling nakahigop ng kapeng barako?
Tuwing uuwi ako sa Cuenca ay lagi akong bumibili ng galpong doon sa palengke. Gustong-gusto ko yung amoy ng bagong giling na kape, napakabango at sadyang mas masarap kaysa sa kape galing sa Nestle. 
Pero mukhang kakaunti na rin ang kapehan doon sa amin sa Cuenca. Madami kaming puno ng kape noon sa likod bahay pero ngayon ay wala na kahit isa. Bihira na rin ang may puno ng kape sa mga kapitbahay namin.
Ano ba talaga ang kapeng barako?
While the Barako has become a generic name for all coffee from Batangas, real Barako refers to Philippine Liberica and is known for its particularly strong taste, powerful body and distinctly pungent odor. “Barako,” in the vernacular, is a colloquial term referring to male strength and machismo. As such, particularly strong-tasting coffee is often identified as barako by the locals. Historically, it takes its name from "barako," the Tagalog word for wild boar, because these creatures are rather fond of dining on the plant's leaves and berries.
Of the four identified species of coffee (Robusta, Excelsa, Arabica and Liberica), Liberica has the largest cherries and therefore, bigger beans. Liberica can thrive in comparatively lower altitudes and is now predominantly grown in Cavite.[Source]
Two hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction. To learn more about the plight of our local Coffee Industry and How You Can Help, click here.
Syempre pa, huwag ding kaligtaang panoorin ang Barako the Movie. :-)





9 comments:
Sarap. Lalo na ang amoy. hehe
kapag bagong bili eh amoy na amoy sa bus kapag nag byahe. hehe
nice pic!
Talagang napakasarap nyang kapeng barako at matipid pa, sa amin nga dine sa Cuenca ay tatlong beses pa ngang ginagamit at pinakukuluan yung 1 tasang galpong ay lasang-lasa pa rin eh.
ay sya!baka ako pa ang namuti nyang ininom ninyo.Noon pa lubah na akong nabahala na mawawala yan kapeng barako. para sa inyong kaalaman ang kapeng barako ay kakaiba talga sa kapeng robusta t kapeng excarsa kugn tawagin.
wow mukhang mabango nga! penge naman aku..padala ka dine sa mla please!
i wonder anu ba ang component ng kapeng barako ung content nia, i tried searching on the net at sad to say wala ako makita.
kapeng barako rocks! sa umaga, hindi maaaring hindi ako magkakapeng barako. medyo sosyal nga lang kasi sa coffeemaker ko ginagawa.
sa amin sa talisay, nilalaga laang ang kape sa malaking kaldero sa kalang de kahoy. maghapon nang nakasalang iyon, dagdag na laang ng dagdag ng tubig kapag naiiga na.
at para maging mas masarap ang kape ko, nilalagyan ko ng gatas na malapot o kaya naman ay alpine evap (pag hindi alpine, kalimutan mo na!) at saka asukal na pula.
KAPENG BARAKO d best ari tuga eh tlaga nman pag iyong natikman eh mawawala antok m etong bango pag nauwe aq dun aq nabili nari sa palengke ng cuenca kay aling TIKAY...hehehehe
Hindi ko pa natitikman ang kapeng barako..saan ba sa batangas makakabili ng authentic na kapeng barako? i would appreciate a reply guys..thanks.
dito sa Batangas City partikular sa Tingloy,Taysan,Tuy,Lemery ang Kapeng barako at Tableang tsokolate ay pareho lng niluluto nilalagay nga sa malaking kaldero at pinapakuluan tapos un ung tubig nun eh patuloy lng hanggang sa kumulo..
Post a Comment