Monday, July 28, 2008

Ikaw Ga Ay Nabarek (Nainom)?

(Barek - salitang Batangueno na ang ibig sabihin ay pag-inom ng alak)

Doon sa amin, masasabi kang isang tunay na batangueno kapag nabarek ka. Kahit anong oras o anong araw basta nagkayayaan ay tuloy ang inuman. Mas naiuutang pa nga ang alak kesa sa bigas eh masagot lang ang tawag ng bahay alak. Naalala ko tuloy noong ako'y bata-bata pa, sa amin kanto doon mo makikita ang mga sunog baga. Sabi nga sa akin nong isa noong ako'y napadaan sa barekan nila, totoy ikaw ga ay nabarek na, pumarine ka at papashotin kita? Ang sagot ko ay "hindi ho" kasi nga ako ay bata pa. Noon kasi ako'y nasa minor de edad pa laang kaya ang alak ay akin iniiwasan.

Pero ngayon ako ay nagugulat sa akin nakikita dahil ang mga dating sunog baga na laging laman ng barekan eh puro estudyante na ang nagkakampayan. Mga nakaunipormeng talo-bata kanya kanyang hawak na alak at nagkakasiyahan sa videokehan. Natanong ko tuloy sa aking sarili, alam ga ito ng kani-kanilang paaralan. Sana naman ay aksiyonan.

Maraming Salamat nga po pala Sir Apol sa pag-imbita mo sa akin dine sa batangueno.net! Makikibisita na din po ng blog ko kung may oras kayo, 100% Batangueno.

Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

1 comments:

Anonymous 6:46 PM  

ay totoo ka naman!

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP