Wanted: Nena Magpantay
Pumunta ako kanina sa Libertad sa Pasay at may nakasabay ako sa jeep na lalakeng sa tanya ko ay nasa 60 yrs old na. Napansin nya yung celfon kong SE-608i. Tinanong nya ako kung magkano daw kaya iyon ngayon. Sa tono pa lang nagduda na akong Batangueno sya. Sabi ko ay di ko alam kasi magda-dalawang taon na yung celfon ko.
Hirap daw sya sa Ericson. Maya-maya pa ay nagkwento na ng husay. Siya daw ang unang nagka-celfon sa Tanauan. Napangiti ako, dahil una, tama ako sa hula ko. Batangueno nga! Pangalawa, hindi ko alam kung paano nya nalaman na sya nga ang unang nagka-celfon sa Tanauan. Baka may registration sa kanila kapag nagkaka-celfon? hehe!
Bandang huli'y hindi na ako nakatiis at sinabi ko na ring taga Cuenca ako. Aba't lalong ginanahang magkwento. Kung may kilala daw ga akong Nena Magpantay na taga Labac. Sabi ko'y marami nga kong kilalang Magpantay pero wala naman akong kilalang Nena Magpantay.
Sa ilang minutong iyon na nagkasabay kami sa jeep ay nalaman konng girl friend nya daw iyong si Nena at nagkahiwalay lang daw sila dahil nadestino sya sa project nila sa Mindanao. Engineer yata si Manong. Sayang daw. Nag-asawa na raw yung si Nena. Sa loob daw ng dalawang taon ay halos araw-araw nya iyon sinusundo sa San Pablo para ihatid sa Cuenca. Sa Maynila pa raw siya nagtatrabaho ng panahong iyon. Ang luffet ni Manong.
Ikinuwento nya rin na noong ikinasal daw yung kapatid ni Nena ay umarkela pa daw sya ng sound system galing Tanauan. May dala rin daw syang mga kahoy na panggatong at siya rin ang nagsibak. Ang laki raw talaga ng hirap nya sa panliligaw nya.
Hindi ko na natanong kung nag-asawa na rin sya at kung ano ang pangalan nya kasi nauna na akong bumaba. Kapag umuwi ako sa Cuenca, ipagtatanong ko kung nasaan na si Nena Magpantay. LOL





4 comments:
panu ga ako makakasali duon sa blog community na iyon? Hindi ko naman maintindihan eh. ahaha.. pero link ko na laang yung mga nasa pahina na ito.
Nice to go Apol... Kaaliw ung kwento mo.. Hanapin ntin c Nena Magpantay
ay ipag tatanong ko nga sa amin. malamang ay kilala ng tatay ko iyon! ehehe
teka ano gang pangalan ni manong? wahehehe
Post a Comment