Gang selling human parts seizes 30 kids?
Nabalitaan nyo na ga yung tungkol sa mga nawawalang bata sa atin?
Noong isang araw, ka-chat ko si Dzune, blogger din na taga Ibaan, naikwento nya nga ito at naghahanap ng mga makakatulong sa pag-iimbestiga. May kamag-anak din yata syang biktima.
Naghanap ako ng news articles tungkol dito pero wala naman akong nakita. Hindi pa yata napipick up ng media.
Pero may anonymous comment dito sa Ala-eh Blogger na nagbigay ng link tungkol dito.Gang selling human parts seizes 30 kids?
By: Paul M. Gutierrez
Many families in Batangas are in a state of anguish over the disappearance of their children.
Report said at least 30 children in the province have been missing and feared kidnapped by a syndicate selling human parts.
Chief Supt. Ricardo Ilagan Padilla, Region 4A police director, said he has ordered an in-depth investigation of the mysterious incidents that finally caught his attention after this reporter and a colleague from the media sought clarification from him.
Padilla said he has alerted the police directors of Batangas, Cavite, Laguna, Rizal and Quezon after receiving reports that at least two toddlers were reported missing and believed to have been abducted by a crime syndicate in Ibaan, Batangas.
There were already reports of the mysterious disappearance of scores of toddlers particularly in several towns of the eastern section of Batangas who may have been victimized by the syndicate.
The two who are still missing were identified as Patricia M. Patena, five years old, and Fatima V Bosita, 6, who both left their houses in Poblacion, Ibaan last Feb. 19 but failed to return their houses since then.
The worried families of the missing kids sought police help in view of an alarming report that scores of toddlers are also missing in the neighboring towns of San Jose, Ibaan, Padre Garcia and Rosario, all located in the eastern part of Batangas.
They feared about a persistent report that a dreaded syndicate said to be involved in selling body parts particularly eyes and internal organs may have been involved in the disappearance of their kids.
Padilla said he is still verifying the parents’ claim that their children had fallen victims of the same crime ring who allegedly make huge money out of selling human eyes and other body parts to potential buyers in Metro Manila and even in other countries like the U.S., China, Japan and Taiwan.
It was gathered that the syndicate usually strikes in the early afternoon until early evening and police said they are verifying reports taht about thirty toddlers have already been victimized by the gang in the said Batangas towns.
Padilla said that if the reports are true, he will not hesitate to use all necessary measures to address the problem that has already alarmed Batangas folks.[Journal Online]





19 comments:
15 bata nawawala sa Batangas
By: Jane Eleda-Mahia at Paul Gutierrez
BALOT ngayon ng tensiyon ang mga residente sa buong lalawigan ng Batangas matapos kumalat ang text messages hinggil sa diumano’y laganap na “kidnapping” ng mga bata kung saan kinukuha umano ang internal organs ng mga ito.
Kasabay nito, patuloy pang kinukumpirma ng Taliba na umabot na umano sa15 bata ang sinasabing nawawala sa mga bayan ng Libjo, San Juan at Cuenca, pawang sa Batangas.
Ang pinakahuli umanong nawawala ay isang batang taga-Padre Garcia, Batangas na inaalam pa ang pangalan.
Kinilala naman ang da-lawa sa mga batang nawala mula sa Ibaan, Bata-ngas na sina Fatima Bosita, 6, at Patricia Patena, 5 ng Barangay Poblacion.
Bigla na lamang umanong nawala ang dalawang bata habaang naglalaro sa harapan ng kanilang tahanan kamakailan.
Kaugnay nito, tikom naman ang bibig ng mga awtoridad sa balita ngunit kapansin-pansin ang itinayong kabi-kabilang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ngayon ng Bata-ngas.
Batay sa nakasaad sa kumalat na text message, isang van diumano ang ginagamit ng mga kidnapper sa kanilang operasyon.
“Guyz, confirmed na 22o ung mga nangunguha ng internal organs ng mga bata. Pati teenagers na dn daw. Plate number ng white van VMM 507. May mga checkpoint na. Napagsabihan na ang mga skulz. Target ng sindikato ay itong Batangas. Plz guys. Ingat kau.. Juz care kaya take gud care of urself. Tnx. Plz 4ward”, ang isinasaad ng nasabing text message.
Ayon pa sa text, sa Libjo at Ibaan ay may natagpuan na umanong bangkay ng mga batang nabiktima ng sindikato.
May nagsasabing mayroon umanong bata sa ba-yan ng Cuenca ang naging biktima ng grupo.
Tinanggalan umano ng mata, kidney at puso ang bata saka iniwan sa gilid ng kalsada na may naka-singit na P20,000 sa ka-tawan nang matagpuan ang bangkay nito.
“Walang lalabas na ganyang balita kung hindi totoo,” pahayag ni Gng. Maring Macatangay na nakapanayam ng Taliba.
“Halos masira nga raw ang ulo ng nanay nu’ng bata dahil nang makita ang anak ay patay na tapos wala na ang mga laman- loob at may nakitang nakasipit daw na pera sa katawan,” aniya pa.
Isang insidente pa ang sinasabing isang bata ang natagpuang patay ma-lapit sa SM Batangas City, wakwak na diumano ang bahagi ng dibdib at nawawala umano ang puso nito.
Sa tabi umano ng bata ay natagpuan naman ang halagang P5,000.
Bago ito, isa ring text message ang natanggap ng Family Council ng Sta. Theresa College sa bayan ng Bauan na may kaugnayan din sa nasabing pangingidnap ng mga bata.
Sinasabi sa test message na isang lalaki ang binugbog umano ng taumbayan matapos masukol ng ina ng batang tangkang kidnapin na hinahatak pasakay ng van ang kanyang anak. Agad umanong nagsisigaw ang ina kung kaya’t naalerto ang taumbayan.
Nabahala ang lahat ng mga magulang kung kaya’t agad nilang pinauwi sa kanilang mga taha-nan ang kanilang mga anak nitong nakalipas na Biyernes.
Bunsod ng mga kumalat na balita, naging mahigpit na ang ginagawang pagbabantay ng mga magulang sa kani-lang mga anak.
Ilang mga barangay na sa Batangas ang sinasa-bing halos wala nang ma-kikitang mga bata ma-karaang pagbawalan ng kanilang mga magulang na lumabas sa takot na mabiktima ng grupo.
Una rito, tatlong kalalakihan na mula sa Pampanga ang nasakote ng pulisya sa ulat na nagbebenta umano ng internal organs ng tao, na nag-o-operate sa Calabarzon (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) area.
Kinilala ni Chief Insp. Jess Kabigting, deputy group director ng 416th Provincial Mobile Group sa Quezon ang mga naarestong suspect na sina Pedro Yangco ng Bara-ngay Caldura, Apalit; Ricardo Yangco ng Barangay Sto. NiƱo at Elmer Pangilinan ng Barangay Sapang Pari, pawang mga taga-Macabebe, Pampanga.
Nasakote ang tatlo sa isang checkpoint sa Macalelon, Quezon matapos ma-rescue ang 10-anyos na bata na nakilalang si Mark Joseph Mosnit noong Martes.
ang pinagtataka lng nmn dto kung bakit hind ito napapabalita sa tv..
yun din nga ang pingatataka ko. pero may nakausap akong taga ibaan na may kakilalang nawawala din.
noong una nga ay akala ko ay katulad din ito ng tungkol sa mga satanista noong araw (nasa elementary pa lang ako). grabe din ang takot na ibinagy noon sa mga taga batangas.
maraming salamat kay Mr. Paul Guttierez, sa mga kinauukulan o ang ating pulisya naman sana ay gawan nyo ng paraan na masugpo agad ang sindikato, maraming pamilya ang naapektuhan.
Kay Governor Vilma Santos kami po ay humihingi ng tulong sa inyo pare-parehas po tayong may mga anak na binabantayan!
ay nakakatakot! pero etong isang eto eh matapang. palinhasa cguro eh di taga batangas at wlang garne sa kanila. itoy kumento mula sa isa pang blog tungkol sa batang nawawala...
-------------------
urban legend (09:11:26) :
another of those urban legend. with the advent of media, internet, txt. this is unbelievable
-------------------
badtrip dumaan sa tindahan ng tita ko yung lalake. sinundo nung van na may plate number n vmm 507 yung kumakalt sa text pero ibang kulay ng van nmn. tapos nun nabalitaan na may nawawala nang bata. sana may magreport n na kamag anak para yung mga taong matatapang eh makuntento sa maririnig nila. -taga bauan-
Chief Supt. Ricardo Ilagan,
Wala kaming nakikitang checkpoint o police na nakakalat. Ang checkpoint ay palabas lang ng tollgate sa tapat PNCC.
grabe na talaga ang balitang to. ang nanay ko ng text din sakin nung isang araw tungkol dito.nakakaalarma na. ipinalabas kagabi sa TV Patrol ung tungkol dito,kaso di ko inabutan.sana magawan ng paraan na malaman kung kwentong-barbero lang ito o totoo.
ang nakakapagtaka lang dito kung tlagang totoo ito ay bakit wlang coverage sa mga batang diumano ay natagpuan na bangkay at may lamang pera sa ktawan. diba dapat may SOCO sa crime scene? bakit wlang coverage? di kaya isa lang itong experimento na naman kung gano kabilis kumalat ang impormasyon sa txt???
Yeah Totoo po yang balitang yan...
You know why? wala namang pong tao ang mag-iinterest sa internal organs na walang pinag-aralan sa pagoopera!!! SURGEON...
May kinalaman dito malamang ang gobyerno...
Biruin mo tahi na ng ibabalik ang bata? hindi naman pwde ang mga halang ang sikmura pa ang magtitrip para pagkakitaan un... Hello... Expert ang nangunguna dito... Inuupahan lang nila ang mga kapos palad nating mga kapwa pilipino o ibang tao...
At di ba mapapakinabangan pa nila ang organs na maayos ang pagkakatanggal...
Gloria!!! Mananahimik ka na lang ba? ayaw man kitang maging Preisdente per gumawa ka naman ng kilos para sa mga taong nagudurusa ngayon dahil sa mga katiwalian nyo... Gising na...
hheheheehehehee
or this could be a diversion of the political issues in this country. Kita nyo ano na nangyari kay lozada? eh di wala na.. syempre diba mas juicy pagusapan to dba.. bago sa pandinig ng tao.. Ang bomba sa glorietta sabay na sabay sa issue ni Gov. Panlilio.. galing talaga ng pamahalaang puppet ni gloria.. Pati mga bata ginawan ng issue.. Kung totoo man to, c gloria kunan nila ng internal organs ng makabawi man lang ang bansa sa kanya..
ah hindi pala totoo. punta kau sa may sanjose sa lipa. doon ibinurol ang isang bata mga 2 linggo na ang nakararaan. Doon magtanong kau kaung mga malalapit doon at nang mapatunayan.
kamo sinamantala ng iba ang issue sa government para gumawa ng ganyang krimen. palibhasa kase di kaya na tumutok sa 2 balita ang mga networks. Pag mga halos libo na siguro ang namamatay saka lang siguro matutuunan ng pansin. isipin nyo nlng kung kamag anak nyo mahal sa buhay ang nabiktima tapos wala man lang mag siwalat ng tunay na nangyari? walang hustisya? parang kay lozada narin ano? mahabang labanan pero ala ding mangyayari.
san jose sa lipa? san ba talaga un alam mong merong ibinurol na bata? para makapagtanong-tanong din ako...
cguroy may duktor sa loob ng van sabi nla van daw ang ginagamit ng mga nangunguha ng bata sobra namn cla ung mga organs natin binebenta nila sa ibang bansa inuubos nila ang lahi natin mga pilipino
hay sana nga dna lang ito true pero kung 22o man dapat mas maging maingat us wla namang mawawala db? i realized f ds s true kawawa naman ung mga helpless and innocent children higit lalo ung mga magulang n wla rin mgwa pero mas nakakaawa ung mga tao behind this syndicate. they dont seem 2 undrstand d value of life. let's just pray 4 all of them bka skali ma-touch ng Holy Spirit heart ng mga taong ito at 2migil n cla s wakas. with God nothing is impossible. God bless s lahat...
Ano na nga kayang nangyari dine? Pero sa Cuenca, mukhang wala naman ako nababalitaan.
Sabagay, matagal-tagal na rin akong di nauwi sa Cuenca...
Update: Kagabi binulabog ang buong Ibaan, Batangas sa balitang natagpuan na daw ang batang nawawala. Naireport na sa Ibaan Police ng San Pablo police na nasa custody na ng DSWD-San Pablo ang mga batang nawawala. Mabuti na lamang at nasagot ng isang batang nawawala (Fatima V Bosita 6 yrs. old) na taga Ibaan sya.
Kanina habang naglalakad ako papuntang shop namin nadaan ko ang kumpol na tao at tinitingnan ang isa sa batang nawawala ( si Fatima V Bosita) at personal ko syang nakita at nakahunta ang kawani ng Ibaan-DSWD. They are both safe and alive... salamat sa Diyos ..
Marami kwento ang naglalabasan na ayon na din sa mga batang ito sa kanilang pagkawala ng ilang buwan, pero since under investigation pa ang lahat saka na lang tayo ulit makibalita. Nasa bawat pamilya na sila at under pa rin ng guindance ng Ibaan DSWD ang mga ito para sa rehabilation nila sa tinamo nilang mental torture at pobia.
Salamt sa inyong mga nanalangin at naki-usyoso sa usapin ito...
hini cguro .... a story this big cannot miss the frontpage.. walang body kahit isa? disappearance, yes, but returning home with mutilated bodies, meron ba? but, true or otherwise, mag ingat at mas maging mas mapgalaga sa mga anak.. ung mga nagbabahay bahay na census, whatever, don't let them in. keep your kids safe. keep them off the streets.
Post a Comment