Mt Pulog, Kabayan, Benguet


Kung hindi ako nagkakamali, 2922 mts asl ang taas ng Mt Pulog. Pinakamataas sa Luzon at pang 3 sa buong pinas. Eto daw ang himlayan ng mga espiritu ng mga Ibaloi, kankanai at kalanguya at ni Apo Kabunian. Binubuo ng 3 bahagi, ang mga pine tree, pagkatapos ay mossy forrest at ang itaas ay grass land na ang mga damo ay draft bamboo at blue grass. Mararating eto 5 oras mula Baguio sa bayan ng Kabayan, Benguet. May malamig na temperatura sa buong taon at sa di pa nakaka-alam, pag Enero or Pebrero ay pede kang makakita ng yelo sa madaling araw. Ala! ay hindi nga malamig, patay patay laang ang rayuma! hehehheh..
Mag aala dose ng tanghali, Setyembre 1, 2005, ng ang maiakyat ko ang 7 na nag pasama sa akin upang makarating sa bubong ng Luzon. Di naman sila nahirapan medyo nahuli lang sa mga oras na kung saan dapat masunod. Ito ang tuktok ng Mt. Pulog. Malamig ang palagid kahit tanghali, ngunit masakit sa balat pag tumama ang sikat ng araw. heheheh sunog ang balat ko. huhuuu. Ang pagpanhik dito ay di naman kahirapan o depende kung saan ruta ka dadaan, ngunit dapat may kaalaman ka sa pag akyat ng bundok. Mga dapat at di dapat ay bitbit mo. Sa itaas, matatanaw mo dito halos ang buong Benguet, Mtn Province (halsema hi way kitang kita) Ilokos, china sea, at ifugao. Kita nga ang cavite! ay kayabang ko! hehehe joke.
Eto ang pang dalawang sampa ko sa taong ito sa Mt Pulog. Kahit na medyo apektado ng bagyo ang paligid kung kayat medyo makulimlim at nakanakang ulan, ay nagpasalamat pa din na kahit paano ay nakita nila ang ganda nito. Sa akin, Kakaibang ganda muli ang ipinamalas nya. Luntian berde ang nagpalas ng ganda at sinabayan pa ng mga puting bulaklak, para katuloy nasa ibang bansa, yun bangang "lord of the ring" ga ang titulo nuon? hehehhe...
Ang isang ikinatuwa ko sa pagbalik dito e yun paglilibot ko sa Kabayan, Benguet. (sa baba ng Mt Pulog). Nakatawag ng pansin sa akin yun isang matandang Ibaloi. Inalok nya ako ng babasahin tungkol sa Mummy. Naalaliw ako para basahin ang tungkol sa pinagmulan nila at ng mga mummy. Ang higit na nagpaligaya sa akin e ng biglang may nagtanong "Were did you climbed, Mt Pulog?" sumagot ako "opo". Isang kagulat na eksena nangbiglang "Im the author of that book" Huh? Talaga? yahoooo.... So ayun, kahit di ko pa nababasa yun libro e nakipagwentuhan ako sandali. Isa din syang Ibaloi, tinanong ko sya kung ano propesyon nya. nagbiro pa ng sumagot ng "Gin" hehehe... lasengo siguro to! daliy binawi at siya daw ay historyan. Buong giliw akong pinapirmahan ang Libro.. hehhe Bakit ka nyo? sinulat nya yun Libro nun sya ay singkwenta na ang edad at ngayon sya ay 75 na. Wag naman sana at humaba pa ang buhay baka kasi sa muling pagbalik ko duon, kung kelan man yun e baka di ko sya makita o kya alam nyo na yun! hehhehhe... Alam nyo ba nun binasa ko yun libro e nalaman ko na dalawang beses pa lang naging mayor yun author!! hahaha tingnan mo nga naman. grabe ang tuwa ko..
sa muling pagbabalik





9 comments:
really? may yelo din sa 'pinas? ala eh...kelayo pa ng aking pinuntahan eh jan lang naman pala eh may yelo din...?! pagbalik ko sa 'pinas...(kelan kaya iyon, ano?) magliliwaliw ako sa bandang iyan. tutal, malapit din naman iyan sa bayan ng aking mga biyenan eh.
hello! kaya bang akyatin ang Mt. Pulog ng mga ordinaryong nilalang na hindi bihasa sa pamumundok? Balak kasi namin akyatin yan at syempre pillin ang pinaka"madaling" ruta (Ambangeg daw). Kakayanin ba? Sanay din naman kami sa mahahabang lakarin at konting trekking. Pero yung tunay na pamumundok hindi talaga. Kakayanin nga ba?
hehe kakatuwa ang kwento mong ito parekoy.. btw, totoo yung yelo na sinabi mo kasi nung umakyat kami nun ng december (2002) at may unos sa tuktok ala eh, umulan ng yelo pero nagiging tubig naman kagad paglapat sa lupa o sa katawan mo. sobra lamig as in tuloy tuloy tulo ng sipon namin - di mapigil! tsaka parang hinihiwa ng blade palad mo sa sobra talagang lamig.. grabe, tandang-tanda ko pa....
astig!!
nagbabalak akong umakyat sa mt. pulog pero hindi ko pa naranasang umakyat ng bundok.. haKZ!!
lakas kasi ng trip ko..
magkano ba nagastos mo sa pag-akyat?
Thanks! Your personal feature about mt. pulog been an ample help on my report. I was able to atleast describe mt. pulog to my audience even without getting there. thanks!
wow ala america ang pinas
eh pano ba yang mount na form folding ba or faulting?
correction lang poh,, pangalawa poh sa pinakamataas na bundok sa buoong pilipinas at hinde pangatlo... balik kau ulit ha.. grabeh anganda talaga... at mas adventurous pa pag gabi at umuulan kayo umakyat,,,, grabeh challenging talaga....U.
correction lang po :) MT. PULAG is the right name for it, not MT. PULOG. nakakahiya kasi sa mga kapatid natin igorot, mali ung name
Post a Comment