Monday, July 05, 2004

Spiderman 2

Napanood nyo na ga ang Spiderman 2? Sabi nung mga nakapanood na, ang ganda daw. Mamayang gabi papanoorin ko ito, may nabili akong pirated DVD Copy. hehe!

Oo na, mali na kung mali ang mamirata. At mali din ang bumili ng mga pirated cd's. On 2nd thought... mali nga ba ang bumili? May justification kasi ako eh. hehe!

Pero magtataka ka, nagkalat ang mga nagbebenta nito. Kung tutuusin, parang ang dali lang nito maipatigil eh. Kulang lang sa political will ang mga nagpapatupad ng batas dito sa Pinas. Dito lang sa mall na malapit sa opis namin halos dikit-dikit ang mga pwesto ng nagbebenta ng mga pirated cd's. Noong nakaraang taon, malimit may raid pero sa hindi ko malamang kadahilanan, nalalaman nila in advance kaya ayun, wala ring nahuhuli. Sino kaya ang nag tip kanino? Noong nakaraan nga, may kasabay pa akong pulis na bumibili din. Walang iniwan yan sa sinasabing negosyo ng bagong gobernador ng batangas jueteng. Bawal daw. Mali at imoral. Pero nakagisanan ko na ang jueteng at hanggang ngayon ay meron pa din. Tumama pa ang ang Inay ilang buwan pa lang ang nakakaraan. Bukod pa ito sa tinamaan nya noong nakarang Agosto 2003.

Teka lang tungkol nga pala sa Spiderman ang entry kong ito at hindi tungkol kay Capt. Hook. hehe!

Tungkol pa rin kay Spidey, natawa talaga ako dito.


Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

Post a Comment

  © Blogger template 'Morning Drink' by Ourblogtemplates.com 2008 Privacy Policy Busby SEO Test

Back to TOP