The Power of Jueteng
Tumama na ga kayo sa jueteng?
Sa bahay namin sa Batangas ay laging karibok tuwing tumatama sa jueteng ang Inay. Ilang beses na rin siyang tumama sa jueteng. Ay pagsahilig din namang tumaya! Sa tingin ko nga ay kahit pagsama-samahin yung tinamaan nya sa jueteng ay lugi pa rin siya sa kabuuan.
Nakagisnan ko na ang jueteng, 28 anyos na ako ngayon ay may jueteng pa rin. Kaya nga natawa na laang ako ng magyabang si Joey Lina na magbibitaw daw siya sa kanyang tungkulin pag di nya napatigil ang jueteng sa loob ng dalwang taon. hehe! Ati'y hanggang ngayon eh hindi pa rin nagbibitiw. kakaani ka na!
Paano masusugpo ang jueteng sa batangas ay ang naluklok sa pagka gobernador ay ang sinasabi nilang jueteng lord ng Batangas? Pero dapat nga bang itigil ang jueteng? Eh paano na yung matandang taga kubra ng jueteng sa amin na doon laang kumukuha ng ikabubuhay? O dapat na gawing legal na laang? Syempre tutol dito ang mga moralista (pede ring ipokrita) at masama daw ang sugal. Pero baken may Casino? May Lotto?
Sa palagay ninyo?





2 comments:
laa eh dapat lang matigil yaang jueteng pagkat sinisira nito ang moral ng mga pilipino. ano na nga ba ang naitulong jueteng?
WALA PA!
inaabuso lang naman laang ng jueteng lords ang mga nagtratrabaho para sa kanila. pag na tigil ang jueteng eh ang tanging yumaman laang eh yung mga jueteng lords.
dun., dun sila magtanong kung may trabaho. yung umabuso sa serbisyo nila
what's the big fuss about jueteng...kung ako ang opisyal ng gobyerno, least priority ko yan.
sa dami kong mga kilala na kubrador ng jueteng na lagi na laang akong ina alok na tumaya, pero di naman ako tumataya.
my point is, may jueteng o wala, gagawa at gagawa ng paraan ung ating mga tamad na mamamayn na maghanap ng instant pera...kung walang jeuteng, maghahanap sila ng ibang sugal na tatayaan.
kung walang mananaya, walang jueteng.
johnstyx
Post a Comment