Ang alamat ni Goynt
Isang araw, ang aking pamangkin na 5 taong gulang ay umuwi galing sa iskwela. ang sabi nya sa nanay ko, "Nanay, wala po kaming pasok sa Fyaydey", "at bakit daw?", ang tugon ng aking ina.
"Eh kasi po sa sa Monday pa ang exam ng mga Goynts, eh di ga po ako ay Goynt.", ang paglalahad ng apo.
"Diyos ko, ang anak ko, ano ga ang Goynts? di ko alam kung ano yan", tanong ng aking ina. Di nya lubos maisip na sa murang idad ay may kung anu-ano ng organisasyong tunog terorista na sinalihan ang kanyang apo.
"Goynts po. Parang ako, saka kayo, saka si Mommy, si Ninang Monette at si Tita Elaine. Di ga po goynts tayo lahat?"
Di pa rin malinaw sa isipan ng nanay ko kung ano ang tinutukoy ng bata kaya muli syang nagtanong, "O, eh bakit daw walang pasok sa Friday?"
"Pano nga po ay sa Monday pa ang exam ng lahat ng Goynts, kaya sa Monday pa ang pasok namin. Sa Fyaydey naman po lahat ng Boys."
Ayun, eh di nagkaintindihan silang mag-lola! Ang goynts pala ang kabaligtaran ng boys.
At magmula sa araw na yon, nalaman ko na ako pala ay isang Goynt.
Current mood: calm.
Current music: No Doubt - It's my Life.





1 comments:
Looking for information and found it at this great site... tiny breasts video pretty blonde women in bikinis at the beach Hairy breasts on women small titties Clothes in london maternity shop Baseball field and players free nude pics of girls with tiny tits giantess videos big boobs crushing tiny men Advertising bulk emails opt in email advertising m Auckland cisco look small boobs How long will lipitor last
Post a Comment